Chapter 60

301 4 1
                                    

SPG. Kung ayaw basahin pwedeng hindi. Kbye.

***

Hindi ko siya magawang harapin. Natatakot ako na baka pag nakita ko siya back to zero nanaman ako, wala nanaman ang galit ko sa kaniya. Mawawala nanaman yung pride ko.

“Mami..” ulit niya pero hindi ko pa din siya hinaharap.

Naramdaman ko yung kamay niya sa balikat ko. Ginalaw ko ang balikat ko na inuutos na tanggalin niya yun. Pero hinawakan niya lang ng mahigpit eh.

“Ano bang kailangan mo?” naglakas loob akong sabihin yan sa kaniya muntik na nga akong pumiyok eh dahil sa iyak ko.

“Ikaw. I need you. I miss you, Jasmine. And Happy Happy First Anniversary.”

Sinapo ko ang mukha ko. Tuloy tuloy ang labas ng mga luha sa mata ko. Nabitawan ko na nga yung binili ni Dustin na donut para sa akin eh. Nakakaiyak talaga. Gustong gusto ko siyang yakapin, gusto kong hawakan ang mukha niya, gusto kong halikan siya pero naiinis ako sa nangyayari sa amin eh.

Bigla niya akong hinarap sa kaniya. Hindi ko siya magawang tignan dahil alam ko anytime na titingin ako sa kaniya wala na ang galit ko.

“Look at me, Jasmine.” Hinawakan niya pa yung chin ko at sinubukang itaas yun pero sinampal ko lang ang kamay niya.

“Ayoko. Umalis ka na nga diba need mo ng space?” ewan ko pero lumabas yan ng kusa sa bibig ko ayoko siyang wala sa tabi ko ngayong anniversary namin pero gusto kong makita kung aalis ba siya o pipilitin akong kausapin siya.

“Look.” Wala na, nakita ko na siya ang lakas ng pagkakataas niya sa chin ko. Ang gulo ng buhok niya. “I’m sorry, Jasmine.”

PESTE.

“Sorry nanaman, Clark? Lagi na lang sorry? Pagkatapos nating mag-away sorry? Tapos mag-aaway nanaman tayo? Tapos magsosorry ka nanaman? Paulit-ulit na lang. Di ka ba nagsasawa? Saka diba gusto mong magmatured ako? Kaya hayaan mo muna ako oh. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Hindi na ako natutuwa sa nangyayari, Clark. Iniisip mo ba na nahihirapan ako? Iniisip mo ba nararamdaman ko habang kasama mo si Chinie? Ha? Clark?!”

Walang prenong sabi ko sa kaniya. Inirapan ko siya at sinuntok suntok ko ang dibdib niya.

“Ang sama mo! Ang sama sama mo! Nagagawa mo kong saktan ng ganto! Langya ka! Kasalanan ko bang mahalin ka ng sobra?! Kasalanan ko bang umikot ang buong mundo ko sayo?! Sinanay mo kasi ako eh! Sinanay mo ko, Clark!! Tapos iisipin mo na baka iwan kita someday?! Sa tingin mo, sino ba ang nang-iiwan ngayon!??! Ako ba?! At pagiging childish ba ang magselos ako sa inyo ni Chinie?! Hindi pa ba pagiging matured yung hinayaan kong magkasama kayo habang ako eto nag-iisa! Nagmumukmok!!!”

Napaupo ako sa sobrang iyak. Ngayon nailalabas ko na yung mga hinanakit ko sa kaniya, hinayaan niya lang ako na suntukin siya. Tumingala ako sa kaniya at nakita kong nagpupunas siya ng luha. Umupo din siya para makapantay ako.

“Sige gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa akin. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. This is my fault. Kaya deserve ko yang gagawin at sasabihin mo. Tatanggapin ko kahit masakit dahil alam kong may mali din ako. Kaya I’m really really sorry, Jasmine. Napakatanga ko, mali mali ang naging desisyon ko mali lahat ng nagawa ko. Pero yung iniisip mo sa amin ni Chinie, walang namamagitan sa amin. I swear, Jasmine. Wala.”

Tinitigan ko siya. Ang lungkot ng mata niya. Pero wala akong pakelam, sinampal ko siya ng pagkalakas lakas halos lahat ng pwersa ko binigay ko sa sampal na yun kaya napatagilid yung mukha niya.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon