Chapter 6- Ferris Wheel.

568 10 2
                                    

(Jasmine's POV)

"Sige wala yun.. sorry din sa inasal ko kanina." then he suddenly kissed my forehead.. "I love you." at umalis na siya.

Matagal tagal na rin nung huli akong nahalikan sa noo.. yan kasi ang favorite kong part na kinikiss ako.. kasi feel ko sobra akong nirerespeto at sobra akong mahal ng tao. Hayy kelan pa ba ako hinalikan ni Jheof sa noo? hindi ko na matandaan.. *sigh*

Tapos ayan... andito na sila mommy papasok na ng gate ung car nila. Ang aga ata ng uwi nila? Sumilip si daddy sa window ng car...

"Who's that guy?" whaaaaat nakita nila? O.O

"Uhmmm....." bago pa ako makapagsalita sinara na ni dad ung window ng car.. PAKKK!!! yari ako -___- ayaw nila ng ganun lalo na hindi pa nila kilala si Clark.. waahh pahamak ka Clark >.<

Pagpasok ko sa bahay... ayun nagaantay sila sa akin sa sala T___T lumapit ako sa kanila para magmano...

"Sino yung lalaki kanina?" sabi no daddy pagtapos ko magmano.. siya pala si Daddy Romeo Corona..

"Diba si Jheof dapat ang kasama mo?" sabi naman ni mommy.. patay na ko -.- di pa nila alam na wala na kami :( grabe ano kaya reaksyon nila? hayyy.. siya naman si Mommy Juliet Corona.. odiba parang movie lang :))

"Mommy.. friend ko lang po siya."

"Friend? Hinalikan ka sa noo?" sabi ni daddy... yan na tatadtarin na nila ako ng tanong >___< nako Clark humanda ka sakin bukas talaga!!!

"Daddy.. di ko naman po inasahan yun." waaah nikakabatutan ako >___<

"Ano mo siya friend lang talaga?" sabi naman ni mommy with matching magsasabi-ka-ng-totoo look >.< sasabihin ko ba na manliligaw ko siya? sasabihin ko bang wala na kami ni jheof? ang gulo!!!!

"Don't tell a lie.. Magagalit ako." yan na ung threat ni daddy :O waaaah nakakatakot na.. mababait naman kasi sila kaso pagdating sa lovelife ko... seryoso sila >:(

"Okay fine.. he's my suitor. Wala na kami ni Jheof." nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.. did I said that? *sigh* tanggap ko na nga bang wala na talaga kami? :(

"Whaaat?!" sabi ni mommy... "Kelan pa?"

"Nung tuesday lang po." waaah help me ayokong umiyak sa harap ng parents ko :'(

"Hayyy tara dito.." tumayo si mommy at umakyat sa kwarto ko.. ano meron? -.- "Now.. cry. I know you're in pain."

Ewan ko.. pero bigla na lang akong umakap kay mommy at umiyak ng umiyak.. ang sakit sakit kasi talaga eh hindi ko maipaliwanag tong sakit na nararanasan ko :(

"Mommy bakit ganun.. iniwan niya na ko.. mommy why *sniff*" pero panay himas niya sa likod ko.. "Mommy ang sakit ng ginawa niya."

"That guy.. I hate him."

"No mommy don't hate him.. Its my fault.." punyemas... nagpapakatanga nanaman ako.

"Hayyy. Mahal mo talaga siya, sa bagay nagtagal kayo ng 3yrs... basta nandito lang ang mommy kapag need mo ko call mo lang ako.. Uhmmm baby I have something to tell you pala.."

"Ano po yun mommy? Bakit po pala ang aga niyo umuwi?" sabi ko habang pinupunasan ang mga mata ko.

"Kaya nga maaga kami umuwi kasi we need to prepare our things.. aalis kami ni daddy mo may client kami sa London.. we need to meet him. Malaking tulong ang makukuha namin sa kaniya kasi magiging stockholder siya ng company.. baby sorry 5 months kaming mawawala.." sabay sad face ni mommy :( pati ba naman si mommy iiwan ako?

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon