(Clark's POV)
Tinawagan ko si Sheena agad agad nung pagkalabas ni Jasmine sa bahay.. nakakainis kasi bakit niya pa pinapapunta si minmin dun? Eh gabi na.. tsk baka mapano pa yun.
Kahit emergency pa! Itong minmin naman na to eh ayaw pa magpasama. Baka mapano kasi yun eh -.-
"Sheena..."
"Ano? Istorbo naman to. Natutulog na ko eh!!!" whaaaaaat?!
"Sabi ni minmin my emergency daw dyan? Umalis siya dito eh."
"Ha? Tanga. Wala!! Naniwala ka naman? Gabi na ah baka mapano pa yun."
"Tsss. Sige salamat."
"Sabihin mo sa akin kung ano nangyari ah? Gaga talaga yun ako pa dinamay."
Binabaan ko na siya agad ng phone.. at agad agad akong lumabas ng bahay at nagmotor..
I saw her.. naglalakad ng mabilis. Nakalabas na agad siya sa village? Nagmamadali nga.. ano kaya meron? Nagsinungaling pa siya. Tss ganun ba.kaimportante to?
Sinundan ko lang yung taxi na sakay niya.. nakahelmet ako kaya di niya ako mapapansin at hindi niya naman alam na may motor ako...
Papunta siya sa Derfo Park? Ano meron?
At yun nakita ko... nakipagkita pala kay Jheof. Tsk! Ano kaya pumasok sa mga isip nito at nagkita?
After 3 years naramdaman ko to ulit.. sh*t nagseselos ako. Matindi ako magselos aaminin ko.. tss mahal ko nga talaga tong babae na to.
Hindi ko muna sila nilapitan.. tinignan ko muna kung ano ang mangyayari..
May binigay na box si Jheof.. ano kaya yun? Tapos biglang sumigaw si minmin hindi ko maintindihan dahil malayo layo ako sa kanila.. sinasaktan nanaman ba niya si minmin?
Tapos... tapos... tapos...
Lumuhod siya.
Hindi man lang niya hilahin patayo si Jasmine.. Punyeta!!! Nagagalit na ako gusto ko ng sapakin tong Jheof na to.
Umiiyak lang si Jasmine.. naiinis ako sa kaniya. Nagsayang nanaman siya ng panahon dahil sa walang kwentang ex niya.. kitang kita sa mukha niya ang pagmamakaawa.
Wala akong magawa.. hindi ko siya mapigilan. Hindi niya ako boyfriend, manliligaw niya lang ako at hindi ko nga alam eh kung may pagasa ba ako.
Pero ngayon bilang kaibigan man lang niya... pasensyahan na kami baka mapatay ko nga tong lalaki na to.. tinalikuran niya si Jasmine ng hindi niya man lang pinapatayo..
Ano bang meron sa box na yun at ganto sila makapagreact? May baby ba dun? At nagmamakaawang paalagaan kay Jasmine? Tss. Imagination ko eh noh -___-
Back to reality, bigla na lang ako dinala ng mga paa ko sa kinalulugaran nila. Hindi ako makapagpigil, nanggigil ako sa hayup na to!!
*BOGGGG!!!!
"Tarantado ka. Pinaiyak mo nanaman si Jasmine!!!" sapak sa mukha at tyan..
*BOOOGSSH!! *AHHHH!!!! *PAKKK!! *BOGBOGBOG!!!!
Lumalaban si Jheof.. malalakas ang suntok ba binibigay niya..
"Eh punyeta ano bang pake mo? May alam ka ba sa nangyayari?!!!" sabay suntok sa pisngi ko.....
"Clark ano ba!!! Tama na!!!!" pagaawat ni Jasmine sa amin.. hindi niya ako mapigilan ganun din si Jheof.. tuloy lang kami sa bigayan ng suntok.
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...