Chapter 69

266 6 0
                                    

After I kissed his forhead he flashed a smile to me.


“Come on, I’ll take you home.”


“Can I stay at your place, tonight? Please.” Yumuko ako, “Ayoko lang mapag-isa ngayong gabi. Kung ayaw mo sige---“


“Of course. You’re always welcome to me, Jasmine. Tara.” Ngumiti ako sa kaniya.


“Hahaha finally ngumiti ka.” Ibinaon niya ang mukha ko sa ilalim ng kili kili niya, “Sira ulo ka din no? Hahahaha.”

Sabay susi niya sa motor niya. Pano kaya ako natagpuan nito dito? Maybe it was a fate. Aangkas na sana ako sa motor pero hinawakan niya braso ko.


“Dito ka sa harap ko. Mamaya magpakahulog ka dyan. Makulong pa ko pag namatay ka.” Ngumisi siya, I gave him a sharp stare.


“Ganun na ba ko kabaliw sa paningin mo, Dustin!?”


“Ayy. Oo! Ikaw kaya makita mo kong tatalon sa tulay! Tss. Sakay na.” Sabay atras niya sa upuan ng motor. Ibig sabihin sa harap talaga ako uupo? Ugh. Wala ako sa mood makipagtalo pa kaya umangkas na ko.


The whole time na nagdadrive siya napapatingin ako sa mga ulap, fck Clark anong nangyari sayo? Bakit mo ko biglang iniwan? Ughh. Umiling ako, sumasakit ulo ko kakaisip sa nangyari. I need a sleep. Kung makakatulog nga ako?


Nakarating ako sa bahay niya.. Ohh condo pala. Rich kid ang peg. Nakaalalay lang si Dustin sa akin habang naglalakad patungo sa elevator. Naka-hang pa din ako hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Hindi din siya nagsasalita pero ramdam ko ang tingin niya sa akin.

Nasa 18th floor pala siya. Pagkabukas ng pintuan, tumambad sa akin si Faith at isang babae. Naramdaman ko ang matalim na titig ni Faith siguro nagagalit pa din siya sa akin, kasi the last time na naka-encounter ko siya e galit siya. Hindi ko na lang pinansin, yumuko na lang ako. I don’t have time to fight with her, I want to rest. I really want.


“Dustin, anong ginagawa ng babae na yan dito?” Narinig kong inis na sabi ni Faith.

“Who is she, Dustin?” Sabi naman nung babae, hindi ko kilala. Ngayon ko lang nakita.


“She’s a friend, Carmela. Dito siya matutulog tonight, deal with it.” Napatingin ako kay Dustin. Nginitian niya ako.


“What?! Dito matutulog yan? Akala ko ba anak mayaman yan, bat nakikitulog na lang yan?” Shocks. Ramdam ko ang inis ni Faith sa akin. Ugh.


“Shut up, Faith.” Umirap ito kay Faith at lumingon sa akin, “Tara dito ka matutulog sa kwarto ko.”


Me? Sa kwarto niya matutulog? Panandalian akong napatingin sa kaniya.


“Sa kwarto ko ikaw matutulog. Dito ko sa sofa.” Gentleness overload.


Tumango ako. Wala akong ganang ngumiti. Nalulungkot pa din kasi ako, pero nagpapasalamat ako sa kabutihang pinapakita sa akin ni Dustin ngayon. Pumunta sila Faith at Carmela na yun sa sofa at nanood ng TV.

“Kain ka muna?” Hindi pa ako sumasagot, hinigit na niya ako sa kusina. “Anong gusto mo? Soup? Fruits? Egg? Ano?” Halatang concern siya sa pananalita niya.

“Kahit ano.” Ngumiti ako ng pilit. Tinapik niya ako balikat ko at pumihit na sa fridge.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon