Chapter 74

207 2 1
                                    

Hindi mawala sa isip ko yung huling sinabi ni Tintin sa akin. Tss. Bestfriend ko talaga siya. Alam niyo naman diba? Saksi naman kayo kung gaano ko minahal yun. Hayy. Feel ko tuloy niloloko ko si Dustin, tsk. Ayoko namang mangyari yun no. Mahal ko yun. Mahal ko si Dustin.

Tinatap tap ko ang ballpen ko habang hinihintay si Dustin, may date kasi kami ngayon. Monthsary namin eh. Hehehe. Nang bumukas ang pinto ng office ko, napatayo ako at ngumiti nung nakita ko siya.

“Hi hon. Goodevening!” Bati niya at lumapit siya sa akin, “Happy 11th.” Ngumiti siya at hinuli ang labi ko. Ninakawan nanaman ako ng halik.

Hinawakan ko ang mukha niya, “Happy 11th din. I love you, hon.”

“I love you, too, Jasmine.” Hinapit niya ang bewang ko. “Tara na?”

I nodded, “Which five star restaurant, now?” Ngumisi ako. Tuwing nagde-date kasi kami lagi akong dinadala nito sa mamahaling resto.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at umikot siya sa kabila para makapasok din. Pagkapasok niya may kinuha siyang bagay sa likod.

“For you.” Ngumiti ako. Isang boquet nanaman ng flower.

“Thankyou...” At kiniss ko siya sa lips. “For everything.”

“You’re always welcome, hon.”

Nag-drive na siya habang hawak niya ang kaliwang kamay ko binibitawan niya lang tuwing kakambyo siya.

“ Ang tagal kong hinintay yung gantong pangyayari, yung sasakay ka sa kotse ko hindi bilang bestfriend kundi girlfriend. Thank you, hon for making my dream came true.” Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Salamat dahil binigyan mo ulit ng chance ang puso mong magmahal.”

Hindi ako makaisip ng salita na sasabihin sa kaniya, masyado akong natutuwa kay Dustin. Precious talaga ako sa kaniya, kaya nginitian ko na lang siya at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Nang makarating kami sa isang five star hotel restaurant, pinagbuksan niya ako ng pinto at humawak ako sa kamay niya. Pagkapasok namin, oww laglag panga ang ganda! Gold is everywhere! Luxury hotel to. Pagkapasok namin sa restaurant, my live band! My conductor at ang orchestra niya. Omygosh. This is so awesome.

“Have a seat, lady.” Inusog niya ang upuan at pinaupo ako. Ang gentleman talaga nitong kupal na to. Umupo naman siya sa harapan ko.

May mga waiter na pumunta sa table namin at naghain ng pagkain. Di pa kami umoorder ah? Kaya binigyan ko si Dustin ng ‘bakit-may-pagkain-na-look’

“Nagpareserve na ako kaninang umaga.” Ahh okay.

Nagsimula na kaming kumain, napatingin ako sa live band. Tumutugtog sila ng A thousand years, grabe nakakarelax ang tunog ng violin at piano.

Hinawakan ni Dustin ang kamay ko, “Jasmine...”

“Hmm?” May kinuha siya sa bulsa niya, isang red na box.

Binitawan niya ang kamay ko at binuksan ang red na box.

“Alam mo namang lahat gagawin ko para sayo diba? Mahal na mahal kasi kita e. Ilang taon kitang pinaghirapan mapasagot lang kaya I won’t miss any chance habang kasama kita...”

Bigla akong kinabahan. Tinignan ko ang singsing, sa tingin ko yung bato na nasa gitna eh diamond. Kumikinang pa nga ito.

“Jasmine, will you marry me?”

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon