“Ano? Bakit?! Anong gagawin ng papa mo sa kanila?!”
Nagkibit balikat si Dustin, “Ang alam ko lang galit siya at galit na galit siya sa mga de Leon.”
“Kahit ang tagal ng nangyari yung sa ate mo?! Hindi niya pa din makalimutan yun ?!”
Nanliit ang mata ni Dustin, “Oo. Hindi marunong makalimot si Papa. Sige na mauna na ako, tinanong ko lang kung totoo yun kasi nagulat ako umuwi si Papa agad sa Manila pupuntang Italy yun e.”
Bigla na lang tumalikod si Dustin agad agad, “Dustin, kung may gagawing masama ang papa mo sa pamilya ni Clark, pakiusapan mo naman siyang wag gawin yun oh... please, Dustin. Please.”
Oo na makapal na mukha ko kasi galit pa siya sa akin tapos nakikiusap pa ako sa kaniya ng ganto, eh malay ko ba baka mamaya may masamang gawin yun kala Clark eh.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.. “I’ll try. Tss.” Umiling siya at naglakad na papalayo.
Pero hinabol ko siya at sinabayang maglakad, “Salamat.”
Apat na araw na ang nakakalipas mula nung nakausap ko si Dustin about sa sinasabi niya about sa Papa niya. So far wala namang nababanggit si Clark na ginugulo sila nun so wala nang dapat alalahanin pa. Okay din ang relasyon namin ni Clark, magkasama nga kami buong maghapon kahapon. Hahaha. Dito siya sa bahay namin tapos nung gabi nagpunta kami sa office para kunin ung papers na pinapakuha ni Daddy. Tapos dito din siya natulog eh pati nga si Bang. Dun sila ni Sheena sa Guest Room! Sabi ko nga si Clark at Bang nalang dun at kami ang magtabi kaso ayaw!! Tss.
*bzzzzzt*
Clark:
Papasok pa lang ako. Sorry di na kita nasabayan nagmamadali ka kasi e. I love you :) Itago mo na lang yang kiss mark mo. Hahahaha!
Namula ako sa text ni Clark. Hayyppp. Nilagyan kasi ako ng kiss mark sa bandang batok ko!!! Buti na lang pwedeng takpan ng buhok! Kundi nakakahiya ako! At alam niyo na kung ano nangyari... wala na akong period. UGH. NAKAKAHIYA! Hahahaha.
Pagkapasok ko sa room diretso ako sa tabi ni Ash.
“Ash! Tapos niyo na project sa Math?”
“Hindi pa! Ang hirap hirap! Kayo?! Tss. Dapat ako partner ni Dustin e!”
“Eh nandun boyfriend mo e! Saka tigilan mo nga si Dustin, may boyfriend ka!”
“Sus! Selos ka lang e! Haha. Tanggap naman ni Joe e na fangirl ako ni Dustin!” Joe, yung boyfriend niya.
“Selos your face, Ash!” Sabay irap ako.
Nagmumuni muni lang ako dito habang hinahantay si Sir Garcia. Yung maingay na room namin biglang natahimik. Ano meron?! Ayun! Pagtingin ko.. si Dustin! Pumasok na sa room. Laglag ang panga ng mga babae! At yung katabi ko! Nagha-hyperventilate na!!!
Madramang naglalakad ang ‘New Dustin’ papunta sa upuan niya. Bakit New Dustin? Aba! Nagbago itsura niya! Nagpakulay siya ng buhok which is bumagay sa kaniya ng todo, medyo color brown na light! Basta bagay sa kaniya e! At nagahit siya ng bigote niya. At ano pa ba? Ayun... may hikaw na siya sa magkabilang tenga niya. Which is nagmukha siyang, badboy. Ughh. Grabe tilian nila dito sa room samantalang ako sumisinghap lang. Napapailing, ang iingay kasi nila.
“Jasmine! Ang pogi pogi ni Dustin!” Ani ni Ash sa akin. Nakakalandi wala pa kasi ang boyfriend. Nginitian ko na lang siya sabay iling.
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...