Chapter 78

234 3 0
                                    

Papasok kami ni Clark ngayon sa trabaho. Ako sa office, siya naman sasama sa pagaayos ng party. Asensado na nga e, may kotse na! Hindi na motor ang panghatid sa akin. Hahaha.


“Dadi...”
Nilingon niya ako saglit at tumingin din siya agad sa daan.

“Hmmm?”

“Samahan mo ko mamaya.”

Lumingon ulit siya, “Where?”

“Mall. Pamper tayo.” Ngumiti siya.

“Sure. What time?”

“Around 7pm.”

“Okay. Akyatin na lang kita sa office mo.”

“Alright.”



Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Naglahad siya ng kamay at kinuha ko iyon. Hinapit niya ang bewang ko at kinuha niya ang bag na bitbit ko.


“Namiss ko to.. yung sabay tayo papasok. Dati sa school ngayon sa trabaho na natin.” Nginitian niya ako. Ako din namiss ko yung ganto.

Pinisil ko ang pisngi niya, “Sana next time sa sariling bahay naman natin tayo papasok...” Ngumisi siya.

“Tapos may sasalubong sa atin..” Ngumiti siya at kinurot ng mahina ang bewang ko.

“Ha? Sino?”

“Mga anak natin...” Ngumisi siya at pumula naman ata ang pisngi ko.

Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang 13th floor kung saan nandoon ang office ko.


“Kelan ba tayo papakasal?” Inakap ko siya at nagpout.

“Hahaha gusto mo na ba? Wag muna ngayon.” Mas ngumuso pa ako.

“Bakit naman?” Nilingon niya ako at hinalikan ng mabilis ang ilong ko.

“Masyadong mabilis ang pangyayari, Mami. Kakauwi ko lang sa Pinas at di pa ayos ang lahat lahat, tulad ng relasyon ko sa parents mo. Let’s take it slow, okay?”

Tumango ako, “Basta magpapakasal tayo ha?” Ngumiti si Clark.

“Oo naman no. Promise.” At hinalikan niya ng mariin ang labi ko.

Nakaramdam ako ng tuwa sa sarili ko. Nararamdaman ko ng magiging maayos na ang lahat, wala ng problema. Hayy. Kahit may dumating na problema sa amin ni Clark hindi na ako natatakot na maharap iyon dahil madami na kaming naranasan ni Clark na problema pero nakayanan naman iyon. Napakasarap sa pakiramdam na, si Clark pala talaga ang para sa akin.


Gustong gusto ko na tuloy magpakasal kaming dalawa. Nasa tamang edad naman kami, may magandang trabaho at may budget naman. Diba diba diba?


Si Dustin, panay pa din ang text at tawag sa akin pero iniignore ko yun every time. Wala akong boses para makipag-usap sa kaniya. Naiinis ako na naaawa sa kaniya. Am I that bad dahil binalikan ko agad si Clark at iniwan agad siya? Tss. I think, no. Because all this time, kay Clark lang talaga ang bagsak. So I feel sorry for hurting Dustin pero mas sinaktan niya ako. Mas masakit ang ginawa niyang pagsisinungaling.

“Kamusta?” Panimula sa akin ni Mommy pagpasok ko sa office niya. She’s wearing her worried face.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon