Chapter 73

217 2 1
                                    

“Arghhhh!! Tawagin mo si Antonio! Na-delete lahat ng files ko!”

Napaupo ako sa swivel chair ko. Takte naman oh! Nakakainis! Ang daming files na mahahalaga dun nadelete bigla! Sarap ihagis ng vase sa harapan ko!

Apat na taon na ang nakakalipas mula nung grumaduate ako sa college, ang bilis ng panahon no? Apat na taon na din akong nagwowork dito sa company namin. Supervisor ako and soon-to-be president. Tss. Nakakainis talaga! Yung mga files ko! Takte.

Bumukas bigla ang pinto ng office ko akala ko si Antonio na hindi pala.

“Mukhang mainit nanaman ang ulo ng girlfriend ko ha?” I rolled my eyes. Pumunta nanaman para mangbwisit.

“Wag mo kong iinisin kung ayaw mong ikaw ang pagbuntunan ko ng galit.” Umirap ako pero nilapitan niya pa din ako at nilapag sa table ko ang kape galing strabucks at donut.

“Ito naman! Magmeryenda ka muna.”

Inirapan ko siya at inalis sa paper bag ang kape.

“Wala man lang akong kiss?” Bago pa ako magsalita hinalikan na niya ako sa labi.

“Chansing ka nanaman.”

Tinawanan na lang niya ako at umupo siya sa sofa dito sa office ko.

Bumuka nanaman ang pinto ng office ko, iniluwa nito ang secretary ko at si Antonio.

“Goodafternoon, Sir Dustin.” Bati ng secretary ko sa boyfriend ko.

“Umpisahan mo ng i-retrieve ang mga nawalang files ko, Antonio.” Utos ko at tumayo ako sa swivel chair ko.

“Sige po, ma’am.”

Sampu na buwan ko ng boyfriend si Dustin. Natagalan ako bago siya sagutin dahil alam niyo na, mahal ko pa din si Clark nun. Kahit kami na ni Dustin aaminin ko minsan sumasagi pa din siya sa utak ko. Limang taon na siyang wala pero iniisip ko pa din siya. Iniisip ko minsan, kamusta na kaya siya? Nasan na siya? Yan ang lagi kong tinatanong sa sarili ko. Nakakalungkot talaga kasi hindi ito ang pinangarap kong mangyari sa amin pero ito ang fate ko. Ito ang tadhana ko.

“Space out ka nanaman. Stress?” Dustin snapped me. Ayan minsan pre-occupied ang utak ko kakaisip sa mga bagay bagay.

Tumango na lang ako sa kaniya. Tumayo siya at umikot, pumunta sa likod ng sofa at minasahe ang ulo ko.

Nakakarelax. Inaantok tuloy ako sa ginagawa niya. Kinuha niya ang kape sa kamay ko at nilagay sa table na nasa gilid ng sofa. “I love you, Jasmine.” He whispered.

Ngumiti ako, “I love you, too.”

Isipin niyo na lang si Dustin, never kong inexpect na hahantong kami sa ganito pero ano ngayon? Expect the unexpected nga naman. Halos dati kalokohan at bestfriend ko lang siya pero ngayon boyfriend ko na. Ito hindi ko alam kung laging tumatakas sa trabaho niya eh kasi madalas na nandito siya sa office ko. Isa siyang doctor ngayon, ang professional diba? May sarili siyang clinic pero may ospital din siyang pinapasukan, tinatawagan lang siya kapag meron siyang ooperahan.

Isipin niyo, si kupal naging doctor? Ha ha ha ha. Dami kong tawa mga apat.

“Tsk! Kainis naman to! Hindi ko mahanap!” Natawa ako sa reaksyon ni Antonio, nahihirapang hanapin ang files na nadelete.

Lumingon ito kay Mila, yung secretary ko. “Mila. Tawagin mo naman si Clark oh papatulong ako.”

Parang nagulat ako nung narinig ko nanaman ang pangalan niya. See? Apektado pa din ako. Tss.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon