Chapter 59

289 5 5
                                    

Naging maayos naman ang nagdaang araw. Maayos ba talaga? Psh. Si Dustin lagi ang kasama ko pag wala si Sheena. Limang araw na nakakalipas mula nung nangyari ung insidente kala Clark. Wala akong balita kay Clark hindi ko rin siya nakikita sa school. Nakakamiss siya.

Pag malungkot nga ako, ayan asahan mo na kukulitin ako ni Dustin at hindi magsasawang ipaalala na wag akong mag-isip ng kung anu-ano kay Clark.

Mabait si Dustin. Gentleman pa. Kaya nga pati ako naaatat ng mag-girlfriend siya eh! Kainis. Swerte ng magiging girlfriend nito.

“Uwi na kita?” Saad niya. Nandito kami sa gilid ng school kumakain sa turo-turo. Actually, hindi ako kumakain dito eh! Sabi ni mom hindi daw sure kung malinis ang pagkain dito kaya wag ako kumain.

Pero si Dustin napilit ako. Ayun napakaen din ako kanina nga halos masuka suka ako habang susubo pero nung nakain ko na masarap naman pala! Sinabihan niya pa ako ng maarte nung una -_-

Alas siete na din ng gabi. “Tara.”

Ganun na kami ni Dustin lagi. Limang araw na gabi na ako umuwi, ayoko rin naman kasi sa bahay magmumukmok lang ako at iisipin ng iisipin kung ano na nangyayari kay Clark. Tapos pag uuwi naman ako ayan tatawag naman si Dustin. Ayaw niya talagang nabobored ako kasi alam niyang iiyak nanaman ako.

Diba? He’s sweet. Perfect guy na ata siya kaya malabong wala talagang girlfriend. Pshh.

Nag-usap na rin sila ni Chinie. And I don’t care kung ano man ang pinag-usapan nila.

Sumakay na ako sa motor niya at humawak sa bewang niya.

Parang hindi ko na nga lang friend si Dustin sabi ni Sheena kasi daw kung umasta parang boyfriend ko. Tss. Di niya lang alam nagiging good friend lang naman si Dustin walang malisya sa akin yun. AS IN. Ganun din si Dustin wala ding malisya saka mahal ko si Clark no. Mahal ko yun kahit ganto sitwasyon namin. Kahit nahihirapan ako, sige lang. Kapit lang.

Nakarating naman kami agad dito sa bahay. Mabilis magpatakbo eh, kaskasero ata ng motor tong kaibigan ko. Hahahaha.

“Thankyou, bes!” tapos pinisil pisili ko ung pisngi niyang may dimple.

“Basta ikaw!” kumindat pa ang loko sabay kaming tumawa.

“Sige na. Ingat sa pag-uwi. Text mo ko pag nasa bahay kana ha?”

“Parang boyfriend girlfriend lang? Hahaha. Sige. I love you.”

Nung una niyang sinabi sa akin yan nagulat ako ewan ko parang awkward pero natawa bigla si Dustin kasi wala lang daw yun. Ganun daw talaga siya sa mga friend niya maski sa lalaki kahit nga daw kay Faith. Kung tutuusin daw nga mas malala pa ung pagiging sweet niya kay Faith. Nagaakapan nga daw sila eh tapos kinikiss ni Dustin yun. Pwera daw sa lips. Nakakadiri na daw. Arte! Maganda naman si Faith eh!

Bakit hindi na lang kayo ni Faith? Natanong ko sa kaniya yan kahapon. Sabi niya ayaw niya daw masira friendship nila tulad ng nangyari sa kanila ni Chinie. Sa bagay. Learn from your mistake nga naman.

“Sige bes, Ingat!” tapos kumawaykaway ako sa kaniya ng nakangiti. Tapos hinarurot na niya yung motor niya.

Napapamahal na sa akin si Dustin. Isa na siya sa mga importanteng tao sa buhay ko. He never fails to make me happy. Kung hindi ko lang mahal si Clark baka ma-fall nga ako dun pero imposible, si Clark lang ang laman nito eh. Siya lang. Loyal ata ako.

Humilata ako sa kama ko. Naghihintay ng tawag ni Dustin, nasanay na kasi ako ganto lagi niyang ginagawa pero isang oras na wala siyang text o tawag. Kaya ako na ang tumawag.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon