Chapter 79

191 2 0
                                    

Naglalakad na kami ni Clark papuntang parking lot at inaalalayan niya ako dahil nahihilo pa din ako. Walang umiimik sa amin. Patuloy siya sa pagpunas sa bibig ko at nakahawak lang sa bewang ko.

“Clark tama na mapupudpod na labi ko.” Sabi ko at tinignan siya ng maayos.

Hininto niya ang pagpunas, “Tang*na niya. Bwisit.” Umirap ito at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Bago niya maisara ang pinto biglang dumating sila Bang, Quio, Tintin at Sheena. Nakahilig si Sheena at Tintin sa boyfriend nila at nakapikit. Mga sabog din gaya ko.

“Ingat kayo, base.” Sabi ni Bang kay Clark.

Tinanguan ni Clark si Bang, “Kayo din. We had so much fun tonight, maulit sana.” Ngumisi si Clark.

“Wag mo na lang isipin si Dustin. Lasing e.” Singhal naman ni Quio. Si Tintin sinasampal sampal ang sarili. Natawa ako ng bahagya inaantok na siguro.

Tumawa ng mapakla si Clark, “Wala akong pakealam sa kaniya pare. Ang ayoko lang yung ginagalaw niya si Jasmine. G*go ba siya? Galawin niya na lahat wag na wag lang si Jasmine.”

Matigas at seryoso ang pagkakasabi ni Clark. Kinilig ako bigla sa sinabi niya. Suminghap siya at umiling.

“Mauna na kami. Ingat kayo.” Sabi nito at pumihit na sa kotse niya. Pagkapasok niya may kinuha siya sa drawer ng kotse at inabot sa akin iyon.

“What?” Sabi ko habang nagtataka sa bagay na binigay niya.

Binuksan niya iyon at ibinigay sa akin, “Magmumug ka. Dito mo idura.” At may nilabas siyang plastic bag. Tumitig lang ako sa kaniya, “What?! Magmumug ka na.”

Inirapan ko na lang siya at sinunod! Tss. Wala nang bahid si Dustin sa lips ko dahil sa kakapunas niya kanina pinag-mouthwash pa ako.

“Natatakot kasi akong lapitan ka ni Dustin. Natatakot akong hawakan ka niya. Baka kasi anytime paglayuin nanaman niya tayo. Natatakot lang ako.”

Sabi niya habang nakaharap sa manibela. Umiling siya at inistart na ang makina ng kotse. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinaplos iyon.

“No need to worry, dadi. Kahit paglayuin tayo ng kahit na sino dyan, iyo lang ako.” Ngumiti siya ng bahagya at nagseryoso na sa pagmamaneho.

Pagkadating namin sa condo. Binuhat niya ako paakyat, yung buhat na bagong kasal. Nahihilo na kasi talaga ako at hindi ko na kayang tumayo pa ng diretso kaya nagpabuhat na ako sa kaniya.

“Bumigat ka ha?” Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na pinansin kasi parang bibigay na talaga ako. Hilong hilo na talaga ako.

Pagkadating namin sa unit ko binaba niya ako, “Where’s the key?”

Inihilamos ko ang mukha ko at pupungas pungas ko siyang sinagot, “Wallet na blue.” At hinanap na niya sa bag ko ang wallet. Nakaupo ako dito sa sahig habang hinihintay siyang buksan ang unit.

“Ayan kasi iinom inom hindi naman kaya ang sarili. Next time wag kang gaganyan ng di ako kasama ah? Baka mapano ka.” Panenermon niya habang sinususian ang unit.

“Uminom ako kasi alam kong andyan ka. Hindi ko na inisip safeness ko kasi alam ko namang andyan ka hindi ako pababayaan.” Singhal ko sa kaniya at binuhat niya ako papunta sa kwarto.

Inihiga niya ako at hinubad niya ang sandals ko. “Punasan kita ng basang towel ang lagkit mo na.” Sabi niya at naglakad siya papalabas ng kwarto.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon