Matapos ang gabi na yun naging back to normal na ang lahat. Yung dati ba na magkasama kami lagi ni Clark, hatid sundo, kami ulit ang magkasama lagi. Si Chinie nasa apartment na at si Pamy ang kasama pati ang pinsan nun. Isang linggo na din ang nakalilipas, sembreak ko na next next week at pupunta na ko sa Palawan. Hindi ko makakasama si Clark sa pasko at bagong taon. Hayyy.
Nalulungkot din ako kasi si Dustin hindi nagpapakita sakin, ni text wala. Nakakamiss siya :( hindi ko alam kung nasan siya. Hindi ko siya nakikita dito sa school. Nasan na kaya siya? Panay naman ang text ko pero hindi nagrereply. Nakakamiss si Dustin :(
*bzzztttt*
Clark:
Jasmine, may pupuntahan lang kami ni Quio at Bang ha? Si sheena muna sasama sayo, punta na lang ako sa bahay niyo mamaya. I love you.
San naman to pupunta?
Ako:
San kayo pupunta?
Nagtext agad si Clark.
Clark:
Birthday ng teammate namin. Walang babae, all boys. No need to worry. Iinom lang naman. Payagan mo ko :(
Hmm.. Uuwi na lang ako agad kung di kami magkakasama.
Ako:
Okay. Wag kang maglasing masyado ha? Pati death stick!!! Sige na, uuwi na lang ako.
Clark:
Hatid na kita?
Ako:
Wag na. Papasundo na lang ako sa driver ko. Ingat ka. Iloveyou!
2pm na.. last subject ko na nakahalumbaba ako dito at nakatingin sa pintuan, gusto ko nang umuwi!!! Habang nakatingin ako sa pinto, may nakita ako mga babaeng nagtatatalon at ngiting ngiti. Ano meron?
May pumasok sa room, si Tenten. “OMYGAD!!! Friend!! Si Dustin Gutierrez!! OMG!!!! UGGHHH!!”
Napatingin ako sa kay Tenten na nagdadakdak sa kaibigan niya. Si Dustin? Nandito? Gusto ko siyang kausapin!!!
“Si Dustin!!! Nag-HI sa akin!!!!” Napailing na lang ako, omygad girls anong nangyayare sa mundo? Grabe kayo makakati.
Nagpunta ako sa pintuan at nakatingin lahat sila sakin! “WHAT?! TSS!” Sabay labas ko, iniisip siguro ng mga yun isa ako sa mga gustong gusto makita si Dustin, oo gusto ko siyang makita dahil friend niya ako hindi fangirl. Psh.
Nakita ko si Dustin na madramang tinatahak ang corridor, may kasamang tatlong lalake at nagtatawanan sila. Panay ang ‘hi’ ni Dustin sa mga babae tapos tatawa sila ng mga kasama niya. Natawa ako, ang lakas talaga ng tama.
Hanggang sa... nagkatagpo ang mga mata namin. Ngumiti ako, ngumiti din siya pero bakit parang may mali? May mali sa ngiti niya? At bakit siya may band aid sa gilid ng labi?
Nilapitan ko siya at nararamdaman ko ang mga titig ng tao dito, “Uyy!!” sabay tapik ko sa braso niya. Nakita ko pa dun yung peklat nung sugat niya nung niligtas niya ako sa LCO.
“Aray naman Jasmine! Mapanakit ka talaga!” Sabay irap niya! Hala?! Galit ba siya sakin?!
“Pre! Siya pala si Jasmine!!!” Sabi nung kaibigan niya tapos nakangisi, sinisiko siko pa si Dustin.
“Tss. Lumayas na nga kayo, susunod na lang ako.” Tapos ngumisi ang mga kaibigan niya at tinapik sa braso si Dustin.
“Sige. Istorbo ata kami! Hahahaha!” Sabay takbo nung mga kaibigan niya. So natira kami dito ni Dustin habang madami ang babaeng nakatingin.
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...