Pagkagising ko bihis na ko. I mean nakabihis na ako kagabi kasi ano e... ano... basta alam niyo na yun! Hahahaha. Wala na din si Clark sa tabi ko baka lumabas lang.
“Manang si Clark?” tanong ko, wala din siya dito sa baba. Asan yun?
“Nagpaalam sa akin na uuwi muna daw po siya, magbibihis daw po tapos babalik din agad.”
Tumango tango na lang ako. Mamayang 3pm pa naman alis ko bakit umuwi agad yun para magbihis? Tetext ko na lang nga.
Ako:
Di mo man lang ako inantay magising. Huhuhu! Balik kana dito.
Tae kasi to e hindi muna sulitin yung araw inuna pa magbihis. Pshh. Kaya eto kumain na ko siguro naman kumain na yun sa kanila.
*bzzzzzzzzt*
Clark:
Sorry. Papunta na din ako dyan saglit lang.
Ako:
Okay.
Naligo na ako habang hinahantay si Clark. Gusto ko talaga siyang isama e kaso may aasikasuhin kasi sila ni Kuya Kevin. Huhuhu.
Bumaba na ako sa sala at wala pa din siya. Asan na kaya yun?
“Hoy. Uwi na ko! Magiingat ka ah?! Itext mo ko pag nandun kana!” Kahit kailan hindi niya magawang hindi manigaw!
“Oo! Salamat sa pagsama sa akin dito sa bahay ah. Sa January na lang ulit! I love you!” Sabay akap ko kay Sheena na dala dala yung mga bag niya.
“Basta ikaw! Mahal kita e! Sige na una na ko. Namimiss ko na pamilya ko lalo na’t aalis si Daddy sa katapusan babalik na ulit siya sa Vietnam.” Nagaabroad kasi ang dad niya.
“Oh sige na! Paki kamusta na lang ako kay Tita at Tito. Bye!” Tapos bineso beso ko siya. Iniripan pa ako. Hahaha. Forever Maarte talaga.
Pagkatapos nun hinintay ko pa si Clark. Umakyat ako sa kwarto ko at inayos muna ang mga gamit ko. Naisipan kong uminom ng tubig dahil uhaw ko kaya bumaba ako. Walang tao sa baba naglalaba siguro ang mga katulong. Uminom na ako at aakyat na sana sa kwarto ko ulit ng makarinig ako ng tugtog ng gitara...
“Parang taon tayong di magkikita... mamimiss talaga kita.” Ngumiti siya at kumindat pa.
“OA Clark ha! Ilang linggo lang to! Hahahahaha.” Sabay bato ko sa kaniya ng unan sa may sofa.
“Eh bakit ba? Sumakay ka na lang sa gusto ko!”
“Sus! Osige! Haha.”
Natatawa tawa pa ako nung nagtugtog ulit siya ng gitara..
“We'll do it all
Everything
On our own
We don't need
Anything
Or anyone”
Nakatitig siya sa akin. Omyg. Kahit ang tagal tagal na namin ni Clark kinikilig pa din ako sa kaniya. Nalulusaw pa din ako sa mga titig niya. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.
“If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?”
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...