Chapter 67-

263 3 0
                                    

Mabilis kami nakarating sa Palawan dahil nakaeroplano naman. Napakasarap ng hangin dito at nakakarelax pero hindi ko masyadong malasap dahil pagod pa ako sa byahe. Damang dama na din ang Christmas dito. Dumiretso agad kami sa hotel na tinutuluyan nila mommy.

“Anak!” Sabay akap sa akin ni mommy at daddy. “Kamusta byahe? Namiss ka namin!” Sabay halik nila sa ulo ko.

“Okay naman po pero nakakapagod.” Sabay mano ko sa kanila.

“Jet lag? Haha sige nakahanda na ang kwarto mo. Pahinga ka muna.”  Sabi ni mommy habang tinuturo ung kwarto ko. Ughh. Gusto ko nang mahiga.

Tumango lang ako.

“Aalis muna kami ng dad mo ha? May nakasched kasi kaming appointment ngayon sa isang client.”

“Ahh sige po. Ingat.” Kakarating ko lang alis nanaman sila, napakabusy talaga. Hahaha.

Humiga agad ako sa kama. Ang lambot pero mas malambot ung kama ko. Hahaha. Ni-check ko ang CP ko at nakitang may message si Clark.

Clark:

Nakarating ka na ba? Text mo ko agad.

Nireplyan ko agad.

Ako:

Kakarating lang. Tulog muna ko.

Clark:

Okay. Videocall tayo mamaya?

Napangiti naman ako dun.

Ako:

Sure. I love you, too.

Clark:

Hahaha di pa ako nagi-i love you nag-i love you too kana. I love you, more. Pahinga ka muna tapos paggising mo kumain agad ha.

Hindi ko na nireplyan pa. Di ko na kasi kaya ung bigat ng mata ko kaya nakatulog agad ako.

*bzzzzzzzt*

Naggising ako bigla sa pag-vibrate ng CP ko. Ugggghhhh! Pagkatingin ko, si mommy! Pinilit kong magising at sagutin ang tawag niya.

“H-hello mom?” Antok pa ko talaga. Nakapikit pa nga ako.

“Kakagising mo lang? Magbihis kana at lumabas ka ng hotel after 15 minutes. We will have a dinner.”

Nakakatamad! Anubayan. Pero kailangan kong bumangon.

“Ughh! Okay mom.” Binaba ko na agad ung phone. 15 minutes? Makakapagready ba ako ng mabilis nun? Wala ng shower shower? Tss! Hirap talaga pag businessman ang magulang!

Ayun nga nagmadali ako. Nagwisik wisik na lang ako ng mukha at nagdamit agad ng dress. Wala ng make up at kung ano ano pa. Bumaba na kagad ako. Sakto kakarating lang din ng BMW namin at buti na lang talaga binilisan ko! Dahil si daddy ang driver! Ayaw pa naman nito naghihintay.

“San po tayo magdidinner?” Tanong ko agad pagkapasok ko.

Lumingon si mom. Nasa driver’s seat kasi siya si Daddy ang nagmamaneho.

“Sa Le Varona.” Tumango na lang ako, as if namang alam ko yun diba?

Habang nasa byahe ni-check ko ang CP ko kung may text man si Clark. Di ako nagkamali may text nga.

Clark:

Oy gising na atat na atat na kong makipag-videocall oh. Miss na miss na miss na kita agad.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon