Chapter 12- Akin ka lang.

517 10 1
                                    

(Jasmine's POV)

Dear Feelings,

Kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi....

Wala nang patutunguhan kung magiging kayo pa,

Wala nang spark,

Hindi na nagwowork ang relationship,

May mahal na siyang iba,

Pinagpapalit kana,

Niloloko kana.

Pero lahat naman ay may dahilan kung bakit nangyayari yan, imposibleng wala..

Siguro masyado akong nagmahal, hindi pala... sobra-sobra ko kasi siyang minahal kaya ganto nalang kung masaktan ako.. Ung tipong KABUUAN ko eh naibigay ko dahil sa SOBRANG PAGMAMAHAL na yan. Nakalimutan kong mahalin ang sarili ko, sa kaniya ko lang inikot ang buong mundo ko.. yung tipong siya lang ang kailangan ko magiging buong-buo na ako. Kaya ayun nung iniwan niya ko...

BUONG MUNDO ANG NAWALA SA AKIN.

Nababaliw ako.. hindi ko lubos maisip bakit ganto ang nangyari, nagkulang ba ako? Hindi naman siguro dahil pati nga pagkababae ko eh binigay ko. *sigh* Hirap na hirap akong bawiin ang mundong kinuha niya. Gusto kong maging masaya na lang na parang walang nangyari pero hindi ko kaya, kahit anong pilit ko... hindi ko kaya.

Paano ko haharapin ang bukas ng wala siya? Tanga Jasmine.. naharap mo na nga diba? Tss. Nakaya mo kahit wala siya..

Pero sana kayanin ko minu-minuto, oras-oras, araw-araw, gabi-gabi, buwan-buwan at taon-taon. Kakayanin ko ba? Paano? Siya ang lakas ko pero iniwan niya ko. *sigh*

Bakit kasi sa tuwing magmamahal tayo may kasunod na pain? Pwede bang wala na nun? Pwede bang exempted na lang ako sa salitang pain na yun?

Pero hindi pwede.. hindi pwede. Lahat ng tao kailangang maranasan yun para matuto, para sa susunod nilang mamahalin alam na nila ang gagawin nila kasi natuto na sila.

Buti na lang andyan ang mga bestfriends ko na nagpapalakas sa akin.. buti na lang may isang Clark Andrew De Leon na dumating sa buhay ko. Buti na lang kahit papano nararamdaman ko ang salitang 'love' sa kaniya.. He never fails to make me happy.

Gusto ko ng makalimot at ang nakikitang solusyon ko na lang ay ang ibaling ang pagtingin ko sa iba.. kaya ko ba? *sigh* kakayanin ko kasi alam kong ito ang makakabuti sa kalagayan ko.

Kakayanin kong magmahal ulit, kakayanin kong kalimutan siya, kakayanin kong maging masaya at kakayanin kong mabuhay nang wala na siya.

Sobrang katangahan na ang ginagawa ko, naaawa na ako sa sarili ko. Martyr na ako sa pag-ibig T__T This night, I will make a promise to myself.. Hindi ko na siya hahabulin, hindi ko na siya pagaaksayahan ng panahon.. Kakalimutan ko na siya......

Susubukan kong magmahal ulit.

-June 28, 2010 12:51am

Matutulog na ako.. masyado nang madrama ang buhay ko =__=''

Clark is calling.....

Gabi na, gising pa to? pero sinagot ko naman agad-agad.."Clark?"

"Gising ka pa pala.. Bakit di ka pa natutulog?"

"Ahh wala.. di pa kasi ako inaantok."

"Hayy. Wag mo na isipin yung nangyari kanina, mahal naman kita eh."

"Oo na hehe. Clark.. sorry pala." tumayo muna ako sa kama ko at nagpunta sa terrace.. may sliding door kasi ako dito sa room ko eh paglabas terrace na.. tumingala ako ang daming stars :">

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon