Chapter 61

314 3 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag tong nararamdaman ko ngayon. Ang bango pa din ng kwarto ko dahil sa mga kandila. Ughh. Ang bango talaga! Minulat ko ang mata ko at nakitang katabi ko ang taong pinakamamahal ko. Napangiti ako ng di oras tulog na tulog pa din siya at nakaakap siya sa akin nakababa nga ang kumot niya hanggang sa pusod hindi talaga sanay matulog ng may sapin sa katawan. Haha. Ayan tuloy sumisilip yung ABS niya at yung mainit niyang dibdib.

Aga aga minamanyakan ko kagad ang boyfriend ko! Hahahaha. Humilig ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi hindi ko matiis e. Yung labi niya parang nangaakit! Ewan ko ba pero namumula yung lips niya.

“Hmmmmm...” sabay dilat niya, nagising ko ata. Nung nakita niya ako ngumiti siya, “Totoo pala yung nangyari kagabi, akala ko nanaginip lang ako.” Sabay akap niya ng mahigpit sa akin habang nakangisi.

“Baliw. Tayo na Clark may pasok pa tayo.”

Pero inilingan niya ako. “Paano ako makakatayo habang ganto ang posisyon ko. Ayoko ng umalis dito, dito na lang ako habambuhay.”

Naginit ang pisngi ko. Shet ka talaga Clark.

“Tayo na.. bababa ako.” Sabay tanggal ng kamay niya sa katawan ko.

Ngumuso siya, “Anong gagawin mo? Dito ka muna. Namimiss pa din kita.”

Ngumiti ako, “Ito naman! Di ako aalis. Lulutuan kita ng alamusal.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Tss. As if namang makakaluto ka. Baka sunog nanaman yan.”

Aba!!! “Wow ha! Ipagluluto ka na nga ayaw mo pa? Tss!”

“Hahaha hindi naman, may katulong ka naman siya na magluto! Dito ka lang wag ka munang umalis. Nilalasap ko pa mga pangyayari eh.”

Sinimangutan ko na lang siya. Hindi kasi ako komportable eh, wala pa din akong damit nakakumot lang ako. Geez.

“Minmin?” napangiti ako, namiss kong tawagin niya akong minmin :’)

“Bakit? Nakakamiss yung tawag mo saking ganyan.”

“Hahaha. Alis tayo ngayon.”

“Ha? May pasok pa tayo Clark.” Buti nga eh 8am yung subject ko at si Clark naman ay training lang ngayon sabado kasi. Nagkaroon ako ng pasok ngayong sabado dahil sa community service. Kainis nga eh.

“Hindi ako magte-training ngayon. Hintayin na lang kita.”

Ughhh. Gusto ko din siyang makasama ngayon eh! Kung pwede lang di na lang din ako papasok pero kailangan eh ayokong madisappoint ang prof ko.

“Okay sige. 2pm labas ko. San tayo pupunta?”

Tumingala siya, mukhang nag-iisip.. “Uuwi pala sila mommy at lola ngayon galing Baguio! Pero alis pa din tayo sa ano tayo uhmmm.. mag-stroll na lang tayo dadalhin ko motor.”

“Oh uuwi pala sila mommy mo! Wag na tayo umalis tyak namiss ka nun kaya hahanapin ka kagad nun.”

“Tss. I’m not a baby. Basta mamaya susunduin kita, okay?”

“Psshh! Magpaalam ka kay Tita Kris muna ah! Osige 2pm sa gate ha? Magdala pa kong civilian o uniform na lang ako?”

“Mag-uniform ka na lang. Sa public place tayo pupunta baka mamaya may mga matang lumipad sa kung saan-saang parte ng katawan mo.” Tapos inirapan pa ako! Hahaha ang pula nanaman ni Clark!

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon