Chapter 17- Naughty.

473 10 3
                                    

(Clark's POV) 

Aiissst. Bawal ako magpalipas ng gutom eh dahil my ulcer ako pero okay lang kesa si minmin ang magutom.. yiieeee ang sweet ko *-*

Binilhan ko siya ng spaghetti, siopao at C2. Dalhan ko muna siya kaso bawal sa library ang pagkaen.. waaah maiistorbo ko ata sya! :(

Pumanhik ako sa library at yun nga nagaaral siya wala syang katabi.. seryoso na nagsosolve dun sa ginagawa niya. *sigh* martyr sa pagaaral. hahaha!

Inantay ko lang sya dito sa labas.. nakatalikod kasi siya sa pinto ng library kaya di niya rin ako makita.. aiisssshhhhhh nagugutom na talaga ako --.

"Base.."

"Ginagawa mo dito quio? at may dala ka pang burger?"

Biglang umiling iling si quio.. "Sabi ni tita kris wag kang gugutumin dahil may ulcer ka! Kaya to dinalhan na kita.. saka pag sumakit nanaman yang tyan mo baka maospital ka nanaman." sabay abot sa akin ng pagkaen.

"Kahit kelan ang sweet mo talaga pre! Kundi lang kita kaibigan inisip ko ng may gusto ka saken.."

*WAPAAKKKK!!!

"Aray ko naman quio! Bat mo ko sinapak?" bigla ba naman ako sinapak sa pisngi -_-

"Kung ano ano ponagsasasabi mo! Kaya ayokong nagugutom ka eh, nababaliw ka lang!"

"Hahahaha. Oo na! Salamat dito." tapos tinapik niya ko sa balikat..

"Ge akyat na ko.. ung pagkaen mo sa canteen kinain namin ni Bang, yang pagkaen na yan mamaya mo na bigay ung bayad sa akin ah.."

*WAPAKKKK!

Ako naman ang nanapak ngayon! "Ano ka hilo? Kinain niyo na pagkaen ko dun tas to may bayad pa? Tss.. mga buraot!"

"Hahahaha joke lang base!! Hahaha. Ge akyat na ko, wala si prof ngayon absent kaya uwian na naten kunin ko lang gamit sa taas. Aantayin mo pa ba si Jasmine dyan?"

"Oo. Text na lang kayo.."

"Sige base." at umalis na si quio.. makakain nga muna ako.nagugutom na din ako. buti na lang may bench dito sa tapat ng libre.. tamang tama :D

Habang kumakain... naalala ko ung sinabi ni Pamy sa akin kahapon about my ex.. I smiled. Hindi na ako apektado :)

*BURPPPPP!

Natapos na kong kumain pero di pa din tapos si Jasmine.. masilip nga.. sakto!! tumayo na sya sa upuan niya, sa wakas!!! makakasama ko na siya :D

"Clark?" sabi nya nung nakita niya ako sa tapat ng pinto ng library..

"Hi minmin! Kaen ka muna.."

"Ahh sakto.. nagugutom na ko. Libre to?" naglalakad na kami ngayon papunta sa canteen..

"Hehehe.. gusto mo may bayad?"

"Ahh. Thankyou sa libre Clark.. hahaha!" tapos inakbayan ko siya..

"Hayys. I miss your voice." *pouts* "Pwede bang magbreak muna ngayon? Pwedeng bukas naman ulit ang aral? Pwede bang masolo kita mamayang uwian? Sobrang namimiss na kasi kita eh.." ewan ko pero walang preno ang bibig ko sa pagsasalita.. sobrang namiss ko nga siya :(

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin na sorry-look.. pero bago pa siya makapagsalita, ako na ang nauna..

"Please? Please minmin? Please?" *puppy eyes* gumana ka please.....

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon