Chapter 64-

297 3 0
                                    

Pagkatapos nun hindi ko na nakita si Dustin sa school. Nakakalungkot hindi na kami tulad ng noon. Naiilang na ko sa kaniya, hayy. Papunta na ko sa gate ng school andun na kasi si Clark sinusundo ako. Si Sheena naman kasama si Bang, as always. Si Quio kaya? Musta na yun? Hahaha.

Pagkadating ko sa gate nakita ko si Chinie na kinakausap si Clark. Anong ginagawa nito dito?! Magkasama sila ni Clark?! Ano nanamang pakulo to!? Sumugod ako agad dun!

“Clark! Ano nanaman to?!” Napatingin si Chinie sa akin tapos si Clark hinawakan ang braso ko.

“Hindi ko alam. Nakita ko na lang si Chinie dito.” Ani ni Clark.

Bumaling si Chinie kay Clark, “Clark! Please naman! Pumunta ka naman sa apartment!” Napairap ako, nasasabi niya yan habang nandito ako? Wow Chinie!

“I told you, Chinie.. may problema kami sa bahay kaya hindi muna kita maatupag.” Suminghap si Clark.

Pumamewang si Chinie, “Pero kay Jasmine may oras ka!?” Tss. Nakakahiya na, may nakakapansin na sa sigawan nila dito. Shet tong si Chinie. Ano bang meron kay Chinie nanaman?

“Chinie! Girlfriend ko si Jasmine! Hindi mo ba yun naiintindihan?! Paulit-ulit na lang tayo.. lagi mo na lang sinusumbat yan.” Nakita kong nangingilid ang luha sa mata ni Chinie. Kasi naman, tss.

“CLARK!!! Mamili ka!!!” Napatingin na talaga lahat ng tao dito, “Si Jasmine o ako?!?!?!!”

Nagulantang kami pareho ni Clark sa tono ng pananalita ni Chinie. Ang lakas nun at punong-puno ng galit ang boses niya. I know Clark will choose me. I know...

Tumingin si Clark kay Chinie na naiiyak na, “Chinie... you know it. It will always be Jasmine.” Kasabay nun ang paghikbi ni Chinie at ang pagsampal niya kay Clark!!

“CHINIE!!! Ano ba!??!” Sumabat na ako. Ako lang may karapatang manampal kay Clark!! Arghhhh. Dinuro ako bigla ni Chinie.

“You!! Wh*re!!! Nagtitimpi na lang talaga ako sa inyo!! Sulutera!! Inagaw mo lahat ng atensyon sa akin ni Clark!!! Get lost, JASMINE!!!”

Nanlaki ang mata ko. Pati si Clark kumunot ang noo. Chinie said... WHAT!?

Sasabat pa sana ako pero nagsalita bigla si Clark, “Chinie!!! Hindi na tama yan ha!! Sumusobra ka na! Walang kasalanan si Jasmine sayo kaya wag mo siyang pinagsasalitaan ng ganyan!”

Kumuyom ang panga ni Chinie, gusto ko siyang sampalin! Bwisit sya! “You! Clark!!! Pagsisisihan mong hindi ako ang pinili mo! Someday, you’ll need my help.. again!! And I won’t help you!” Sinuntok suntok niya ang dibdib ni Clark... inaalis ko ang kamay niya pero malakas si Chinie. Ang dami ng taong nanonood sa amin. Shet naman.

Hinawakan ni Clark ang kamay ni Chinie mahigpit ang pagkakahawak niya para hindi na makasuntok si Chinie, “Hindi na kita kilala, Chinie. Nasan na yung Chinie’ng mabait? Yung hindi nagtatanim ng galit? Nasan na yung Chinie’ng minahal ko?? Asan na siya? Tsk.” Umiling iling si Clark.

“Wala na! Patay na! Pinatay mo siya, Clark! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!” Susuntukin niya ulit si Clark dahil umamba ang kamao niya pero humarang ako para makuha ang kamay niya pero hindi ko yun nailagan kaya ako ang nasuntok!!!

OMG!! Nagdudugo ang labi ko!!! “CHINIE!!! ANO KA BA!!!!!” Hinawakan ni Clark ang mukha ko pero hinawi ko ang kamay niya, nagtitimpi na ko talaga ha!!! Pakshet sya!!! Sinampal ko ng di oras si Chinie!!!

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon