K U R T
R U Z Z L ENandito kami ngayon sa isang bar dahil nagkayayaan kami mag-inom. At dahil nga sa maimpluwensya ang parents namin, nakapasok kami kahit underage.
At kung sinong kami?
Kami nila Tyler, Mikael, at Clark.
Ako nalang yata ang nasa katinuan sa aming apat.
"Dude.. 'tong beer na 'to, parang ako lang sa kanya.. ang lakas ng tama." Mikael.
"Kami dude. parang rainbow na uwak, imposible magkaroon, imposible maging kami." Tyler.
"Manahimik nga kayo." Clark.
Kanina pa sila ganyan.
Curious tuloy ako kung anong nangyari sa mga mokong na 'to.
Kung si Clark naman, mukhang alam ko na ang dahilan pero ang pinagtataka ko, kung anong problema nitong si Tyler at Mikael. Kanina pa kung anu-anong sinasabi.
"Clark.. pabebe ka kahit kailan!" Mikael.
"Tama ka d'yan.. walang makakapigil~ tehehehe~" Tyler.
Nag-high five pa sila at tumawa sabay nalungkot at biglang nakatulog.
Masisiraan na yata ako ng ulo sa dalawang 'to.
Tinignan ko naman si Clark na hindi pinansin 'yung dalawa.
Sanay akong ganyan si Clark. Tahimik. Medyo masungit pero marunong tumawa at ngumiti.
Pero dati 'yon.
Nawala na 'yung ngiti n'ya at palagi nalang s'ya seryoso nang mawala sa kanya si Natalie kasabay ng paghihiwalay nila ni Riye. And i can't blame him for being like that.
Mawalan ka ba naman ng dalawang babaeng importante sa'yo, makangiti ka pa?
Bigla naman nag-vibrate ang phone ko and i automatically smile when her name flash at my screen.
"Thankyou kanina."
Dalawang salita lang ang text n'ya pero hindi ko maiwasang mapangiti habang binabasa 'yon.
"It's late now, you should sleep. Goodnight." Reply ko.
"DEMANDING."
Natawa naman ako sa reply n'ya.
I should feel insulted pero kapag sakanya galing hindi ko magawang mainis.
"Ang bilis mo bumigay, you didn't finish what you've started." Napalingon ako nang magsalita bigla si Clark.
"Wala s'yang alam dito." 'yun nalang ang nasabi ko.
Bigla n'ya akong kinuwelyuhan at tinitigan sa mata, nanginginig 'yon sa galit.
"Kurt anong sabi mo? Sabi mo ikaw ng bahala, sabi mo gagawin mong lahat para sa kapatid ko!"
Hindi ako nakapagsalita sa sinigaw ni Clark.
Hinatak n'ya ako paglabas ng bar at nang nasa labas na kami ay pinagsusuntok n'ya ako ng sunod sunod.
"Sabi mo mahal mo ang kapatid ko! Pero ano? Pinaasa mo rin s'ya kagaya ni Ryoken, nakalimutan mo rin si Natalie dahil sa kanya!" Sigaw n'ya sa'kin habang sinusuntok ako.
Hindi ako nanlaban at tinatanggap ko lahat ng suntok n'ya.
Ayos narin siguro 'to. Kahit ako naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong wala na akong magagawa para kay Natalie.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...