Chapter 1: Kurt Ruzzle Javier.

802 37 18
                                    

"Ang gwapo n'ya talaga.."

"Oo nga.."

"kailan ba n'ya ba ako mapapansin.."

"Siguro kapag nagkapakpak na 'yung isda?"

"Excuse me?"

"Inshort, imposible!"

"Mas lalo naman ikaw!"

I sighed.

Naiinis na talaga ako sa dalawang katabi ko na kulang nalang mag-wrestling.

Pinag-aagawan lang naman nila si Kurt Ruzzle Javier na sikat dito sa school namin. Paano ba namang hindi sisikat 'yan, s'ya ang vocalist ng banda nila dito sa school na SurfExcuse. Isa s'yang hearthrob wannabe at pantasya nilang lahat na babae dito sa school namin.

Teka, uulitin ko. Hindi ako kasama sa fansclub n'ya. Hindi pa yata ako nakakakita ng babaeng hindi attracted sa kanya. Ewan ko pero hindi naman s'ya gaanong attractive para sa'kin. At kung magkagusto man ako sa kanya, sigurado akong hindi ako 'yung mga tipo n'yang babae. I'm sure napakataas ng standard n'yan dahil lantad na lantad ang mga tao dito sa attraction nila towards him. Typical na studyante lang naman ako sa Academy na 'to at hindi ko rin kaya maki-fit in dahil hindi naman kami mayaman. At hindi ko rin gusto.

Ako si Tairish Mamarie Cruz.

Habang rinding-rindi na ako sa dalawa kong katabi, tinignan ko si Kurt.

Kaklase ko s'ya. Gwapo nga talaga at napakalakas ng dating kaya hindi nakakapagtaka na usap-usapan s'ya palagi dito sa school. Classmate ko si Javier since first year at hanggang ngayong fourth year na kami ay hindi kami nagkahiwalay ng section.

Kurt Ruzzle Javier.

Matangkad.

Maputi.

Brown eyes.

Pointed nose.

Proportion.

Almost perfect na yata 'tong nilalang na 'to.

Hindi naman sa pagiging o.a pero talagang gwapo s'ya.

Teka, bakit ko nga ba iniisip pa ang Javier na 'yan.

Mabuti pang manahimik nalang ako dito dahil kuntento na ako sa buhay ko. Tatlo lang naman ang importante sa'kin. Family, Studies, at ang pangatlo ay ang bestfriend ko.

Rafaella Castillones.

Nakakainis lang at hindi ko s'ya classmate kaya inatake tuloy ako ng katamaran.

Nakinig nalang ako sa teacher namin na adviser din namin. First day of school ngayon kaya medyo marami ang dini-dicuss.

Sana hanggang sa huling taon ko sa highschool maging tahimik ang buhay ko.

°°°°°

Nang mag-lunch break na kami, dumiretso na ako sa canteen at hinanap si Rafaella.

"Ella!!" Bati ko sa kanya nang makalapit ako sa table n'ya.

"Ewan sa'yo." Inirapan n'ya lang ako nang makalapit ako.

Hindi ko alam kung anong hangin nanaman ang nasinghot n'ya pero mukhang inaaatake nanaman si Rafaella.

"Anong problema mo? Mayroon ka ba or what?" Tanong ko at umupo narin.

"Mayroon ka d'yan! Alam mo? I hate you.." nag-pout pa s'ya at kunyaring umiiyak.

At ako ito, natatanga nanaman sa mga sinasabi n'ya. Minsan talaga malapit ko na mabatukan ang babaeng 'to.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon