4: Ahas
Ilang araw na kaming nagppractice at medyo nasasanay na ako sa kanyang mga kaibigan na kabanda niya pero nandon pa rin ang awkwardness. As I said, I am not close to senior students.
Nang i-dismiss naman kami ng last subject teacher namin this afternoon, medyo nahuli akong lumabas kasi naki-suyo pa si Sir Oliver. Pero bakit andyan pa yang mga classmates ko malapit sa exit door ng computer lab?
"Kat, may nag-hihintay pala sayo." Sabi ni Hazel na bumabalik.
"Sino? Si Kuya?"
"Hindi. Basta lumabas ka nalang. Ako na mag-dadala nito sa table ni Sir." Sabi niya at ngumisi.
"Okay." Nasabi ko nalang at ibinigay ang hawak kong laptop at libro kay Hazel.
Saktong pagkalabas ko ng computer laboratory e may nakita akong lalaki na may hawak na gitara at naka-upo lang sa bench na tapat lang ng laboratory, pinapalibutan ng mga classmates ko.
Nag-smile nalang ako at dumeretso nalang sa music room. Ilang lakad na man lang yun eh.
"Katriel! Sandali lang naman."
Napahinto ako dahil sa sigaw na yun. Alam ko na kung sino siya dahil kilala ko na ang boses niya.
"Bakit?" Tanong ko ng magka-harap na kami.
"Hinintay kita tapos iiwanan mo lang ako? Wag ganon, Riel." Sabi naman ni Reniel na ngumunguso.
"Ahh.. so ikaw yung tinutukoy ni Hazel. Okay. Akala ko kasi nagco-concert ka doon."
"Grabe naman 'to. Tara na nga, baka andun na sina Jigs sa music room." Hinila naman niya ako pero hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko.
Nilingon niya ako na may pagtataka sa kanyang mukha ng ginawa ko iyon.
"I can go there without dragging me, Reniel." Sabi ko ng matabang at napatango siya na may ngisi na naman sa kanyang mga labi.
Nagtataka talaga ako kung bakit lagi pang hinihintay o kaya laging nandoon yung mga kabanda niya e kahit hindi naman na kelangan ng instrumentalist kasi hindi naman rock yung kakantahin ko. Kahit nga acoustic pwede na o kaya keyboard. Si Jigs lang naman ang pwedeng sumali kasi siya ang keyboardist ng grupo.
Nang makarating naman na kami, si Ace at Bryan palang ang naroon.
"Si Jigs?" Agad na tanong ni Reniel.
"Sa canteen, pare. Nagutom daw e." Si Ace na ang sumagot at tumawa. May katabaan din kasi yung isang yun, e.
"E yung pinsan mo?"
"May klase pa." Simpleng sagot ni Bryan dahil siya naman na ang kinaka-usap ni Reniel.
Si Jigs dela Rosa ang keyboardist. Bryan Ylanan ang drummer. Ace Modrigo ang sa bass. Si Kean Rodriguez na pinsan ni Bryan ay ang sa rhythm. And to complete the group, Reniel Elizalde is their lead guitarist at ang vocalist. They are the official band of Eyrefield University High School. Nagkaka-roon din sila paminsan-minsan ng gig.
"Sige, pwesto ka nalang sa platform. Magsisimula na tayo. Bryan, ikaw muna sa keyboard." Sabi ni Reniel habang sinasaksak ang kanyang acoustic.
Lagi niyang gamit ang kanyang acoustic guitar kesa sa electric guitar ng school.
Nagsimula na silang tumugtog kaya pumasok na ako. Nang magko-chorus na ay dumating naman si Jigs kasama si Kean kaya umulit nalang kami at pinalitan ni Jigs si Bryan sa keyboard.
Pagkatapos ng aming pag-eensayo ng ilang beses ay uuwi na kami. Isang kanta lang naman yun dahil magttry lang si Reniel kung paano mag-record.
"Ang ganda talaga ng boses mo, Katriel." Puri ni Ace.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...