49: Can Kill

45 6 0
                                    

49: Can Kill

Lumipas na din ang dalawang araw na naka-kulong lang ako sa aking kwarto. Kahit masilayan lang ang haring araw ay di ko ginawa. Kahit madampian man lang ako ng sariwang hangin ay hindi nang-yari. Parang nasa quarantine ako. Kung hindi lang dumating ngayon ang mga kaibigan ko ay paniguradong naka-kulong na naman ako sa kwarto.

"Lumabas nga tayo. Ilang araw ka na yata naka-kulong sa kwarto mo eh," wika ni Hazel.

"Agree. Nagmumukha ka ng zombie! Gosh, Katriel." si Carissa.

"You look so groggy, Kat." komento ni Rescel.

Groggy na kung groggy. Talagang lutang ako ngayon.

"Forget muna tayo diyan, Kat. Let's have fun. Ilang araw nalang, aalis ka na naman."

Umiling lang ako sa aya ni Melodie. Wala akong ganang lumabas. Ni mag-salita nga hindi ko magawa. Ang lumabas pa kaya ng bahay?

"Okay. We understand but Katriel, how can you forget the pain when you don't want to indulge yourself? Give yourself a freedom from the leash of pain!" hasik ni Hazel.

"No! I don't want to forget the pain! As long as I can, I want it here! I want it to be felt because once I forget the pain, it only means that I have already forgotten the love I am feeling for Reniel!" pasigaw kong sagot sa kaibigan kasabay ng pamumuo ng luha sa aking mga mata.

They're all taken aback by my sudden outburst pero hindi ko sila masisisi. I know that they only want me to be happy kaya agad din naman akong humingi ng dispensa ng mahimasmasan ako. Masakit lang kasi. Ngunit itong sakit na ito ay ayokong mawala dahil ayoko ring mawala ang pagmamahal ko kay Reniel.

"Just please, let's forget what happened. Just for the meantime," pamimilit ni Hazel.

"May meet and greet ang Summer Wind... mamaya," biglang humina ang boses ni Rescel ng marealize kung ano ang binanggit niya.

Nakatanggap naman siya ng paniniko at matatalim na tingin mula sa aming mga kaibigan.

"Sorry," aniya.

"Ayos lang. Puntahan natin."

"What?! That's not good for you!" agad na tutol ni Carissa.

"I don't care if it's helpful or not. I am after the talk. I just want to talk to him."

"Pero nag-usap na kayo, Kat." wika ni Melodie.

"Yes, we did but it wasn't enough. I really need to convince him. Ayos lang naman na hindi niya paniwalaan kung bakit ako umalis. Basta paniwalaan niya lang na mahal ko siya."

May nag-badyang tumulong mga luha sa aking mga mata ngunit pinigilan ko.

"Pero Kat.."

"Please."

Hindi ko na pinatapos si Rescel sa kanyang irarason. Gusto ko lang pumunta sa meet and greet ng banda.

Ilang oras nag-tagal ang mga kaibigan ko sa bahay at ng mag-aala una na ay nagsi-uwian din sila. Alas tres kasi ang meet and greet at kailangan pa naming mag-handa.

Just a skort and off-shoulder blouse ang sinuot ko. Nahuli nga kami eh. But because Rescel has this VIP treatment dahil kay Ace ay napadali lang ang pagpasok namin. Pagkatapos ay agad kaming pumila.

Heto na naman ang kaba sa aking dibdib. Medyo malayo-layo pa ako ngunit ang pag-tambol ng aking puso ay napaka-lakas. Mas lalo siyang lumalakas kapag papalapit na ako sa signing table. I brought their album, a poster, and a shirt. Ito yung pina-print ko.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon