14: Tired
Nasa kwarto ako ngayon ng maka-receive ng text galing kay Reniel. Aniya'y nasa labas na siya.
May practice ulit kami ngayon kina Kean at sinabi ko na rin sa kanila na may game daw ulit sila. At parang bumabalik na nga kami ni Reniel sa dati. Yung hindi niya pa inaamin at wala akong alam. Yun nga lang, ngayon, pareho naming alam na may gusto kami sa isa't isa. Alam na din niya na ayaw ko talagang pumasok sa relasyon.
"Don't do that," sabi ko sa kanya ng pagbuksan niya ako ng pintuan.
Gamit niya ngayon iyong kanyang Audi.
"Bakit? I want to open the door for you, what's wrong with that?" Tanong naman niya sa akin ng mag-drive na siya paalis ng village namin.
"The wrong with your gestures is that, I... I feel not comfortable. Para kang nangliligaw," sagot kong nahihiya sa hulihang sinabi ko kaya naman binaling ko nalang sa labas ng bintana ang mga paningin ko.
"Bakit, hindi ba?"
Napalingon ako sa kanya with wide eyes habang siya ay seryosong naka-tingin sa daanan.
"Reniel... alam mo nam–"
"Yeah, I know.. I'm just trying na... wala," aniya sabay ngiti pero hindi umabot sa kanyang chinitong mga mata.
Gusto kong tignan ang mga mata niya. Gusto kong makita kung gaano ka-expressive iyon. Ang mga singkit niyang mga mata. Napatingin din ako sa matangos niyang ilong pababa sa kanyang mga labi. A kissable lips.
Agad akong napa-upo ng maayos at diretso ang tingin sa daan. Damn! Bakit ganon? Bumibilis din ang pag-tibok ng puso ko. Nag-huhuramentado ito. Bakit ba kasi ako tumingin sa labi niya? Napa-isip tuloy ako kung gaano kalambot yun. Oh my God! My innocent mind is now thinking those stuffs. Ugh! Anong nangyayari sa akin?
And I know naman that he's just trying his luck if he can now change my mind and payagan ko na siya sa pangliligaw. He respect me and my decision kaya hindi niya pinilit ang pangliligaw niya.
Narinig kong ngumisi siya kaya napatingin ako sa kanya at talagang ngumingisi nga ang loko. Tss. Inirapan ko nga.
Katriel naman.. kahiya yun!
Panigurado, nakita niya yung paninitig ko sa kanya hanggang labi. Ngingisi ba siya kung hindi?
Tumigil siya sa pag-drive at napagtanto kong nandito na kami kina Kean. Lumabas kaagad siya at umikot. Nagmadali naman akong buksan ang pintuan para maunahan ko siya. I know, mister, that you're going to open the door for me.. again but sorry, hindi na kita hahayaan. Pero napalakas ata ang pag-bukas ko at natamaan siya sa may tiyan pababa. Uh-oh!
"Sorry. Naku, I'm sorry. Really, really sorry," pagpapa-umanhin ko sabay dalo sa kanya.
Napahawak naman siya sa kanyang tiyan na natamaan ko.
"Sabi naman kasi sayo na ako na magbubukas," wika niya.
"E sabi ko rin naman sayo na hindi mo dapat ginagawa yun. Nasaktan tuloy kita. Tsk," agad na sabi ko.
"Oo, nasaktan mo ako kaya dapat may kapalit 'to."
Napatingin ako sa kanya at nabigla ng sobrang lapit pala ng mukha namin. Nakikita ko na ng klarong-klaro ang kanyang mga singkit na mata. Kinakabahan na naman ako ng todo-todo lalo na't tinitignan ko siya pababa sa kanyang labi. Bahagyang naka-awang naman ang kanyang mapupulang labi. Ngumisi siya kaya napa-atras ako at nagbigay ng isang metrong distansya.
"You really want to see my lips, huh?" Medyo natatawa siya sa sinabi niya. "Na-curios tuloy ako kung gusto mo akong halikan."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at ramdam na ramdam ko talaga ang pag-init ng pisngi ko kaya iniwas ko ang mga paningin ko.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...