76: Permanent Mark

28 4 0
                                    

76: Permanent Mark

Ang tahimik naming pareho habang naiipit sa traffic at bumubuhos ang ulan. Binigyan niya ako nung extra shirt niya para panangga sa lamig. Di naman kasi ako ganon nabasa ng ulan pero siya itong nabasa. Hinubad nalang niya iyong hoodie niya pero tumagos na ang basa sa kanyang shirt though hindi naman ganoon kabasa tulad nung jacket niya.

"Ahm.. may ipaparinig ako sa'yo. I need your comment since you're the composer." aniya saka niya pinatugtog sa stereo kung ano man yun gamit ang kanyang cellphone.

Familiar siya sa akin hanggang sa nagsimula na ang first verse. It was my composed song that I dedicated to him. It's Lost Star. Pero ngayon ay iniba niya. Fast beat ang tugtog at hindi ko siya gusto.

"So ano? Anong masasabi mo?" tanong niya matapos ang tugtog.

"Uh, I need to hear it again."

"No.. no. I need your immediate reaction."

"But I really need to hear it again."

"Pero gusto ko yung comment mo by first hearing nung kanta."

"Well, it was good but why... why it's like that? I mean, it seems you lost the right emotion of the song and it's only for you. Why you have to make it on your album?"

"Didn't you like it?"

"No. I like it but.."

"You don't. Well, yes. This song is for me and I want to let the whole world know how great you are. How great is your music. How passionate you are. The song says it all."

"But it's only for you and me and the song is not like that. It's more emotional not pop rock. You're losing the right emotion of the song. And this is important to me."

"Okay.. so I'll work on it later when I get home but I will include this on my next album."

Hindi nalang ako nakipag-talo. 'Yan ang gusto niya eh. Siya na ang rightful owner ng kantang iyon at comment na lang ang may karapatan ako. Hindi din naman mahalaga ang comment ko.

"So are you going?" panimula niya.

Kibit balikat nalang ang sinagot ko. Buti nalang at umusad na ang traffic. Medyo bumabaha na rin dahil sa malakas na ulan at siguro'y nakabarang drainage. Pero ngayon ay humihina na ang ulan. Sana huminto na ito.

Tinext ko na si Brayden na sabihin kay Manang na magpasundo ako sa gate at magdala ng payong. Malapit na kami sa village kaya tinext ko na.

"Katriel, I really need to talk to you." Aniya ng malapit na kami sa bahay, binagalan niya ang pagmamaneho.

"Wala naman tayong dapat pang pag-usapan ah."

"Meron. Katriel I'm sorry sa nagawa ko nung bumalik ka. I'm so sorry at tinatanggap ko ang pag-trato mo sa akin ngayon. I deserve it anyway. I deserve this but I just want this to settle."

"So this is the closure?"

"No. Wala pa tayong masyadong nasisimulan kaya hindi ito ang pagtatapos--" di niya natapos dahil pinutol ko siya at napahinto rin siya sa pagmamaneho, ilang metro pa ang layo sa bahay namin.

"Oh come on! Don't give me false hope! Enough, okay? May girlfriend ka na.." iyak ko.

"Gahd, Katriel! I have no girlfriend! Saan mo ba yang nakuha?"

"Wag mo 'kong bolahin! Hindi mo 'ko maloloko!"

"Hindi kita niloloko, okay? What I'm saying is the truth! Riel, listen to me..." malambing niyang sinabi at sinubukang pahirin ang mga lumandas kong luha pero iwinaksi ko ang kamay niya.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon