11: Maybe
Nasa likod na naman ako ng music room naka-tambay. Nag-aaral lang ako dito ng mag-isa. Iniwan ko sina Hazel sa canteen. Ayaw pa kasing umalis dun, eh, kaya ako nalang. Ayoko rin naman doon dahil nakikita ko lang si Reniel.
Simula nung yayain niya akong mag-lunch. Nagiging distant na ako sa kanya dahil sinabi na naman niya sa akin ang feelings niya para sa akin. I can feel something na parang may planong ligawan ako pero as long as I can escape from him, gagawin ko ang lahat.
Ayoko mang iwasan siya, kailangan lang. Kung bakit ko siya kailangang iwasan, ang dahilan ko diyan ay hindi ko siya mahal. Hindi kami pareho ng nararamdaman. Gaya ng sabi ko, I don't want to tolerate his feelings. Ayokong mag-paasa at mas lalong ayoko ring maging paasa. Ayokong maging ganon. At masakit ang umasa ng wala namang aasahan. Alam kong masakit iyon.
Naka-earphone na naman ako habang may sinasagot sa textbook ko. Mamaya pa ang klase ko kaya sasagutan ko lang muna ang assignment ko na mamaya na ang pag-pass.
Nabigla ako ng may nag-tanggal ng earphone ko sa kaliwang tenga ko. Napalingon ako at nagulat sa nakita.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya.
Hindi naman ako maka-sagot ng diretso.
"Riel, sinabi ko naman sayo na okay lang sa akin na hindi mo ako mahalin pabalik, basta wag ka lang lumayo.. wag ka lang mang-iwas."
"Reniel..." nag-pasalamat ako at may lumabas ng boses sa lalamunan ko. "U-umiiwas lang naman ako kasi... baka hindi m-mo na ako mahalin kapag gi-ginawa ko iyon. A-ayoko kasing paasahin ka sa patuloy kong pagiging malapit s-sayo at ayoko ring mas mahulog ka pa."
Bumagsak ang kanyang mga balikat sa sinabi ko.
"Hindi mo naman kelangang gawin yun, eh. Hinding hindi mo kelangang gawin yun," tanging nasabi niya.
Umiling ako sa kanya. Hindi. Kailangan kong gawin ito kasi kapag hindi, mahirap na.
Iniwan ko siya doon. Iniwan ko na naman siya. Nasasaktan na rin ako sa pag-iwas ko sa kanya dahil napalapit na rin ako sa kanya pero ito ang dapat.
Pumasok nalang ako ng room namin kahit maaga pa. Ako pa nga lang ang naroroon, eh.
Kalaunan, narinig ko ang pintuan na bumukas at sumara din ito. Hindi ko na nilingon dahil alam kong kaklase ko ang pumasok. Sino pa ba ang papasok? Eh syempre mga kaklase ko lang naman.
"May boyfriend ka na pala kaya ayaw mo na sa akin."
Nagulantang ako sa boses na narinig. Natigilan ako sa pagbabasa ng english novel. Eto na naman siya. Nandito na naman siya at mangengealam.
"Kaya ba lagi mo akong iniiwasan? Kaya ba lagi mo akong tinatakbuhan? Kasi may bago ka ng mahal? Kasi hindi na ako? Kaya ba kahit sandaling pag-uusap, ipinagdadamot mo na?"
Rinig na rinig ko sa boses niya ang lungkot. Narinig ko pa ang pag-piyok niya. Hindi ko nga lang siya nililingon.
"Katriel, hindi na ako mangungulit na bumalik ka sa akin, mapatawad mo lang ako," basag na ang boses niya ng sabihin ito. Umiiyak na siya. Lalaking umiiyak?
Nanlumo ako ng hinarap ko na siya. Minahal ko siya kaya ang makitang ganito siya ay nakakapagpa-lungkot sa akin. Kahit ginago niya ako. Kahit nagpaka-bitter ako sa kanya, masakit pa rin. Hindi dahil mahal ko pa siya kundi dahil sa mga pinagsamahan namin, sa pagiging magkaibigan namin na ngayon ay naging isang alaalang gusto nang makalimutan.
"Jian, ilang beses ko na itong sinabi sa iyo na hindi ganon kadali magpatawad. Isang taon na ang nakaka-lipas pero gusto kong sabihin sa iyo na... sa pag lipas ng panahon, sa pag lipas ng mga araw, hindi ko na nararamdaman iyong sakit. Marahil nakalimutan ko na iyon at nakalimutan na kita kaya siguro panahon na rin para mapatawad kita."
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...