15: Not Yet
Ilang minuto nalang ang nalalabi at magta-time na. Malapit na rin nilang malagpasan ang score ng kabilang team. Kakayanin nila 'to. 86-91 ang score. Ilang shots ay panalo na sila.
"Reniel! Patay ka talaga sa akin kapag di mo yan na-shoot!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa akin.
Alam kong pinag-titinginan na ako ng mga tao. Agaw pansin talaga ako dito dahil tinatawag ko ang miyembro ng Summer Wind na parang ka-close ko talaga sila.. na parang kababata ko sila.
Marami-rami ang nandito at karamihan talaga ay mga babae na alam na alam kong mayayaman. Kitang-kita palang sa mga itsura nila. Syempre, nakatira sila sa isang exclusive village kung nasaan ang bahay nina Kean.
Pumalakpak ako. Na-shoot niya.. 3 points yun kaya 89-91 na. Kahit isa pang shot, Reniel.
"Si Katriel yan, ah."
Napalingon ako kung sino ang nag-banggit ng pangalan ko. At nagulat ako ng makita ko ang kaklase ko. Si Lauren ay nandito kasama ang isa pang babae. Pinsan niya o kaibigan? Nagulat din siya ng makumpirmang ako nga.
Narinig ko naman ang pag-singhap nung mga babaeng kanina pa nagchi-chismisan.
"Sabi na nga ba at siya yun," sabi nung ikalimang babae doon sa grupo na yun.
Ni-disregard ko sila at kinawayan nalang si Lauren. Naka-upo sila sa taas habang ako ay nandito sa baba kasama ang mga bag ng mga boys.
Binalik ko ang mga tingin ko sa court at tinignan ang board. 30 seconds nalang at tapos na ang laro. Pero nagulat ako ng makita ang scores, 106-95. Ilang segundo ba ako hindi naka-tingin sa laro at ganon nalang ang agwat ng mga score nila?
"Nakasalalay dito ang lahat, Elizalde! Tandaan mo yan!" Muli akong sumigaw ng nasa kanya na ulit ang bola at mag tthree-point shot na naman siya.
Na-shoot nga niya iyon kaya pumalakpak na naman ako kasabay ng mga taong nanunuod.
"Go, Reniel!" Sabi ko ng nag-ddribble siya papunta sa ring nila. Naka-sunod sa kanya sina Jigs para bantayan at ng di maagaw ang bola.
Napa-cross finger ako ng ihagis na niya sa ere ang bola. Umiikot-ikot pa ito at pasok! Na-shoot na naman niya ang bola. Another three points. Kukunin na sana ng kabilang team ang bola ng tumunog ang buzzer, hudyat na tapos na ang laro.
Napatayo na ako habang pumapalakpak. 112-95. It's a nice game.
Malawak ang ngiti ko habang papunta sila sa akin na may malalapad ding mga ngiti. Tuwang-tuwa sila sa pagka-panalo.
I saw Reniel coming with wide arms open.. ready to hug me but I just throw his towel to him. Tumawa naman siya sa ginawa ko.
"Kala ko makakayakap na ako.. hindi pa pala," aniya saka tumawa.
"In your face! Naliligo ka na nga sa pawis mo, eh," sabi ko at tumawa sila kaya napatawa na rin ako.
"So ano yung ibig mong sabihin dun na nakasalalay sa laro yung lahat? Ano, payag ka na? Payag ka nang girlfriend na kita?" Tanong niya ng mag-simula na siyang mag-drive paalis sa village nina Kean.
"Huh? Hindi ka pa nga nangliligaw.. girlfriend na agad?"
I guess I'm gonna die. Sobrang kinakabahan ako dito kay Reniel, eh.
"Ahh.. so payag ka nang magpa-ligaw? Ganon ba? Pero diba mahal mo naman ako, edi tayo na," aniya at tumingin sa akin habang naka-ngisi.
Yung mga singkit niya namang mga mata ay hinuhuli ang puso ko. Really, I am captivated by his pretty eyes.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...