10: Come with Me

75 6 0
                                    

10: Come with Me

Napapa-tingin na rin sa amin ang hardenero nina Kean at pati na rin iyong katulong na dinidiligan ang mga halaman kahit hapon na. Nararamdaman ko naman ang kumakalabog kong puso. Parang gustong makawala dahil sa sobrang kaba.

"Reniel, uwi na ako.. please, iuwi mo na ako." Pagmamakaawa ko.

"Of course, I'll drive you home pero kukunin ko muna yung jacket ko na nasa room kanina," aniya.

"What? Iiwan mo ako dito?! Nakaka-hiya sa kanila. Baka makita." Sabi ko naman, tinuturo yung hardenero at katulong.

"Hindi!.. ano, uhm.. itext ko nalang si Jigs na dalhin dito yung jacket."

Tinanggal na niya ang kanyang mga kamay na naka-pulupot sa akin pero nanatili siya sa likuran ko. Ginawa naman niya ang kanyang sinabi at di nagtagal, dumating si Jigs na parang tinakbo niya mula sa practicing room papuntang garden.

"Oh, heto. Bakit mo pa 'to pinakuha sa akin kung pwede ka namang pumunta nalang sa room?" Tanong ni Jigs kay Reniel.

"I can't leave her." Aniya na nagpa-kunot sa noo ni Jigs.

Bigla naman niyang binalot iyong jacket niya sa baywang ko, natatago na nito ang mantsa.

"Bakit? Anong nang-yari?" Concern na tanong ni Jigs, tumingin kay Reniel at sa akin.

"Basta. Paki-sabi nalang sa kanila na iuuwi ko lang si Katriel. Emergency. Kayo nalang muna mag-practice." Ani Reniel saka ako hinawakan sa braso at iginiya palabas ng bahay nina Kean.

"Paano ako uupo? Baka mamantsahan ko ang jacket mo." Nag-aalalang wika ko.

"Hayaan mo na yan. Basta umupo ka ng kumportable."

Wala na akong nagawa dahil tuluyan na niya akong isinakay sa kanyang sasakyan. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Only the music coming from the stereo is what I can hear. And I can even feel the awkwardness. Sino ba ang hindi mao-awkward sa lagay na 'to? A guy who confessed but got dumped and a girl who have a blood stain on her shorts, seen by the guy, that both are riding in the same car.

"Sorry sa inasal ko." Napalingon ako sa gawi ni Reniel, nabigla sa kanyang pagsasalita.

"A-ayos lang." Simple ko lang na sagot sa kanya.

Muli kaming nabalot sa katahimikan. Usual na iyong lagi lang kaming tahimik kapag nasa sasakyan niya pero minsan naman, maingay kami dahil sa kadaldalan ko o niya. Pero ngayon, yung katahimikan e dulot ng nangyari kanina, it's not the usual atmosphere.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

Pumipila kasi siya sa isang drive-thru.

"Oorder," aniya na parang iyon ang pinaka-obvious na bagay. "Nagugutom na ako, eh. Hindi ako nakapag-snack kina Kean at pati na rin ikaw." Normal niya lang na sagot, yung parang walang nangyaring aminan.

Tumango nalang ako sa kanya. Kahit may music nang nag-pplay sa stereo, sinuot ko pa rin ang earphones ko at nagpatugtog sa phone ko, humihilig sa bintana. Pag-kaalis nung sinusundan namin, agad siyang pumwesto. Siya na ang bahala ng gusto niyang orderin, tutal, siya naman ang magbabayad niyan.

Napa-upo ako ng maayos ng tapikin niya ako sa braso at naramdaman ko ang isang malamig na bagay. Ibinigay niya sa akin ang fries, burger, coke at isang choco-float sundae.

"Ayokong kumain nito," sabi ko sabay bigay sa kanya ng burger. "At pati ito," tipid na ngiti kong sabi sa kanya, ibinabalik iyong coke.

Only fries and sundae can full already my empty stomach. This is really fine with me. Sinimulan ko ng kainin ang fries na pinagsasabay ko sa sundae. Ayoko namang matunaw 'to 'no.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon