79: Wrong Way, Baby

44 5 0
                                    

79: Wrong Way, Baby

Buong gabi akong umiyak. Buong gabi akong humagulhol. Buong gabi rin na hindi ako iniwan ni Brayden. Nakita na naman niya akong ganito. And I hate it.

Kinabukasan ay nagising ako ng mugto ang mga mata. Nagising ako sa kwarto ni Brayden. Nakita ko siyang natutulog sa sofa. Malamang ay di niya talaga ako iniwan rito habang iyak ng iyak. Hindi man lang niya ako pinapunta sa kwarto ko o ilipat man lang. Naguilty tuloy ako. Mas maguiguilty ako kung sasakit ang katawan niya dahil sa pagtulog sa sofa.

Lalagyan ko na sana ng unan iyong ilalim pero nahulog na siya at tumama iyong ulo niya sa carpet. Buti nalang at may carpet kaya hindi direkta sa semento pero alam kong masakit pa rin iyon. Napangiwi ako ng makitang nasaktan talaga siya sa pagka-umpog ng ulo niya.

"Y-you're awake," aniya na halatang nagising lang sa pagkakahulog.

"Hehe. Uhm, you can now go to your bed. Sorry for invading and thank you for letting me stay."

"Your eyes are puffin-- aw! Ow!" Daing niya ng buong katawan na niya ang nahulog sa sofa. Napahawak siya sa kanyang ulo na siguro'y mas sumakit pa.

"Are you alright? My gahd. I'm sorry. Sorry."

"No. No. I'm fine."

Inalalayan ko siyang tumayo at lumakad papunta ng kama. Kinuha ko iyong comforter na ginamit niya at inayos iyon.

"Go back to sleep. I'll just go to my room," wika ko sa kanya.

"What? What about your taping? I wanna go with you."

"I will call Megan that I can't make it to the set. So take a rest and I will also sleep more. I can't face the people with this face." Ngumiti ako para kahit papaano ay mabawasan na ang pag-aalala niya sa akin.

Pagkarating ko ng kwarto ko ay agad ng tinawagan si Megan na hindi ako makakapunta ng taping dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Well, totoo naman talaga na hindi maganda ang pakiramdam ko. Medyo masakit rin ang ulo ko dahil sa ilang oras lang ang tulog ko.

Gumising nalang ako ng tanghali na. Nakita ko sa messages ang text ni Rescel. She invited me for a hang out but I ignored it. Baka mamaya may hidden agenda na naman ang babaeng 'to. Mahirap na kaya mas mabuti na ang maingat.

When I'm about to take a shower, I heard my phone beeped and it's a message from Melodie, asking me if I will go out with them. May mga sinabi pa siyang iba. Yung plano kong hindi sumama ay nabago. Mapapasama ata talaga ako sa kanila. Ang galing mangumbinsi ng lukaret na 'to eh. Ginalingan.

"Where's Brayden, Manang?" tanong ko sa kasambahay namin ng mapansing masyadong tahimik ang bahay.

"Sinama po siya ni Sir JM, Ma'am."

"Talaga? Saan naman punta nila? Ba't di man lang ako sinama? Tss."

"Hindi po nila sinabi eh. Narinig ko nalang po kay Sir Brayden na hindi ka raw makakasama sa kanila kasi di daw maganda ang pakiramdam niyo kaya hindi ka na nila ginising," sagot niya.

Nakakatampo na hindi nila ako isinama. Minsan lang ako magkaroon ng mahabang oras na makasama sila dahil sa trabaho ko. Lalo na ngayo'y may album akong gagawin. Miss ko na rin sina tita mommy at tito daddy dahil sa di nagkakasundong oras.

"Ma'am, mga kaibigan niyo ho nandito."

Agad akong napalingon sa main door ng marinig ang katulong namin. Kumaway sa akin si Carissa at ngiting-ngiti si Melodie.

"What are you doing here?" tanong ko ng maupo na sila.

"Fetching you?" maarteng tugon ni Carissa.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon