48: Lost Me
Mulat ako mag-damag. Napapa-isip talaga ako sa mga nang-yayari. Kean's affection towards me. Reniel's like in a relationship but some of his gestures or his words are like saying something. Or maybe it's just my assumptions?
Gee! This is making me crazy!
Lahat na ata ng unan ko ay nasa sahig. Kahit comforter ay konti nalang nasa sahig na rin. Ang mga paa ko ay nasa headboard. Ang likot ko, grabe. Pero itong mga naiisip ko ay nakaka-baliw!
Kinabukasan, nagulat ako ng makita ang mga kaibigan ko sa sala na nag-memeryenda. Hindi pa ako nakaka-hilamos o magmumog man lang o kahit suklay lang. As in na pagkagising na pagkagising, baba kaagad para makapag-almusal sa tanghali.
"Good morning, Katriel!" sabay-sabay nilang bati.
"Anong ginagawa niyo dito? Tanghali na padpad kayo rito?"
"Makiki-kain. Hehe. Wala ng stock sa bahay, eh." ani Hazel.
Asus! Sawa lang ito sa mga pagkain na hinahain. Naku! Ngayong bakasyon ay tumataba na. Sira ang figure!
"Mag-isa ka lang dito pero for sure punong-puno ang ref mo." si Carissa.
"Excuse me. Hindi ho ako mag-isa. May mga kasambahay ako rito at driver na minsan ko lang naman nagiging driver."
"Ay oo nga pala."
"So ano nga ang ipinunta niyo rito?" tanong ko sa kanila ng nasa dining na kami para mananghalian.
Tanghali na eh. Wala ng breakfast, diretso na ng lunch.
"Wala nga lang. Gusto lang namin pumunta dito." sagot ni Rescel.
"Ilang araw ka nalang dito?" tanong naman ni Carissa.
"Uh, siguro 2 weeks and a half?" di ko pa siguradong sagot.
Ilang araw nalang din pala, aalis na naman ako pero ni makipag-usap kay Reniel ay di ko pa makuha. And getting his attention? Siguro nagsa-succeed na ako.
"May gig ba ngayon ang Summer Wind?"
Nasa may poolside na kami para tumambay. Sina Melodie naman ay nae-engganyong maligo sa pool yun nga lang ay wala silang pang-ligo pero may extra shirts sila. Alam na alam talaga nila. Plinano ata 'to eh. Hindi nalang nag-dala ng bikini para hindi mahalata. Sus.
"Wala eh." sagot ni Rescel.
"Pero pupunta sila mamaya sa bar?"
"Mmm.. hindi ko alam. Wala pang update eh."
"Ahh.."
Kami nalang ang nandito dahil yung tatlo, si Melodie, Hazel at Carissa ay lumangoy na.
"So anong nang-yari kagabi? Nagka-usap ba kayo?"
Napalingon ako sa kanya. Ito yun eh. May kutob na talaga ako nito.
"Wala. Dumating kasi kaagad si Camilla."
"Bulldog talaga yun!"
"Bakit mo ba siya tinatawag na bulldog? Maganda naman si Camilla."
"Oo, maganda ang mukha pero yung ugali? Sus! Mas pangit pa nga sa bulldog eh."
"Hoy ano ka! Cute din naman ang mga bulldog."
"Wow ha! Pet lover ka lang ang sabihin mo!"
Natawa nalang ako. So hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng inis sa Camilla'ng yun?
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...