21: Hate

83 6 0
                                    

21: Hate

Dalawang klase na ang lumilipas at bawat klase na iyon, naka-tutok lang ako sa mga bintana o sa pintuan na parang may hinihintay pero walang dumating. Kahit na anino ng kahit na sino ay wala. Last subject ko na ito pero wala pa rin siya. Kanina, hinintay ko talagang e-open up niya ang tungkol sa sinabi ko kagabi but it did not happen kaya ngayon, nagbabaka sakali ako at baka nakuha na niya ang ibig kong sabihin. Pero siguro di pa niya nakukuha iyon.

"Kat, pahiram naman ng notes mo sa Analytic Geometry." Sabi ni Hazel ng palabas na kami ng room.

Binigay ko naman sa kanya ang notebook ko. Nang maka-labas na ako ng room, medyo nagulat ako ng makita ko siya sa harapan ko mismo. Hinihintay ko siya pero nakaka-gulat pa rin na nandito siya. Kinabahan tuloy ako. Parang gusto ko nalang pumasok ulit o kaya'y mag-laho na parang bula para di ko siya maka-harap. Paano kung nakuha na niya sa wakas? Pero parang hindi pa ako handa. Haay! Ang gulo ko na. Di ko na naman maintindihan ang sarili ko.

"What did you mean by your question?" agad niyang tanong.

Tinaas ko ang kilay ko as if wala akong alam.

"Anong pinag-sasabi mo diyan?" tanong ko, nagsimula ng lumakad.

Nauna ng lumakad sina Hazel dahil narito si Reniel at kinakausap ako.

"I knew that there was something in your question. There's a message behind it."

"Ano naman?"

Sa kalagitnaan ng hallway na medyo marami na ang mga estudyante, hinarap niya ako sa kanya na parang walang dumadaan na iba. Na parang sa kanya ang kinatatayuan namin.

"Are you falling in love with me?" Seryoso niyang tanong, nakatingin ang mala chinito niyang mga mata sa mga mata ko.

"H-huh?" I admit, I was taken aback.

Nakuha din niya ang ibig kong sabihin. But I have to play hard to get. Yeah, I have to because I am afraid that when I finally gave in, baka saka kami paglayuin nina mommy. I have to atleast let cool their minds about this issue.

"Alam ko naman na may nararamdaman ka para sa akin but you don't have to conclude of what I am feeling just because of something that might lead you to that conclusion."

"Hindi, eh. Alam ko.. alam ko, Riel, na may kahulugan talaga iyon. Sabihin mo nalang." Parang nagmamakaawa na siya.

"Ano ang sasabihin ko?"

"That you are falling in love with me. Just admit it. Sabihin mong mahal mo din ako."

"Mahal kita." Matabang ko lang na sagot.

Nakikita ko na ang mga tao na humihinto sa paglalakad at nanunuod sa amin. Kahit sina Hazel ay huminto na muna para tumingin sa senaryo na ginagawa namin dito.

"Katriel naman, gusto ko yung totoo.. yung sincere." Nagsusumamo na ang boses niya. He's so desperate of hearing it from me.

"I can't. Wag mo 'kong madaliin."

Napa-yuko siya sa sinabi ko at bumagsak ang kanyang mga balikat. Nalungkot ako sa nakita ko. Bumigat ang pakiramdam ko. Ang makita siya na mula sa pagiging masaya na nagkaroon ng pag-asa dahil sa sinabi ko, pero naglaho din iyon ng sabihin ko rin ang bagay na nakakapag-palungkot rin sa akin.

"Alam ko, Riel. I know and I'm sorry." Aniya at naunang lumakad. Sinundan ko naman siya ng tingin.

I'm sorry, Reniel. Now is not just the time for it. And gusto ko lang siguraduhin muna ang nararamdaman ko. Gusto kong maka-siguro na totoo ang nararamdaman ko para sayo.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon