69: On The Headlines

34 5 0
                                    

69: On The Headlines

I saw Tofer how he cried. He even cried more after hugging me. Naiiyak tuloy ako rito. Niyakap na ako ni mommy at ni daddy. I saw their tears flowed. Samantala, si Lex ay naiiyak na rin ngunit pinipigilan iyong sarili niya na umiyak.

Ayokong mang-agaw ng atensyon dahil paniguradong isang malaking isyu ito pagnagkataon. Lalo na't kasama ko si Brayden na aalis. Sasabihin nilang tama ang mga hinala nila tungkol sa pagiging hiatus namin ni Brayden. Though when the Philippine televisions caught us together, for sure, the international reporters will come and conclude that all their speculations are all true.

"Come back soon, Kaitee, okay?" Tofer said in between his sniffs.

"Yes, of course. I will. Kaitee will be back so don't cry anymore. Big boy don't cry," I retorted.

"Kaitee, I'm gonna miss you. Live well, okay?" Tumango ako sa kay Lex. "Bro, don't leave me.."

Natawa ako kay Lex dahil sa sinabi niya. Sinabit pa niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Brayden at nagpa-bigat.

"Dude, fuck off! You're so gay!" Brayden laughed.

And the two ugly guys are in their 'fights' again.

"Kaitee, don't forget to call." Tanging nasabi ni mommy.

Alam kong ayaw niyang umiyak rito at mag-drama. Sinabi na rin naman niya ang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin kagabi eh.

"I'll miss you," ani daddy sabay halik sa aking noo at muli niya akong niyakap. "Brayden, take good care of her." Matigas na sinabi ni daddy kay Brayden

"Yes, sir."

Nagpa-alam na ako sa kanila ng mabilisan dahil naka-tanggap ako ng text galing kay Tyra na may mga reporters daw na papunta na rito sa airport.

Kagabi ay nakipag-kita sa akin sina Cassey at ilang celebrity close friends ko. Sab isn't here anymore dahil nasa Pilipinas na rin siya.

Agad kaming pumasok ni Brayden at nag check-in. Nag-hintay kami sa departure area na tawagin ang aming flight nang may maka-halata sa amin. Parang wala ring silbi itong disguises namin ah? Kabanas. Agad akong yumuko at nagkunwaring busy sa cellphone. Ganoon rin ang ginawa ni Brayden.

Makalipas ang ilang oras ay tinawag na ang flight namin at agad na pumunta sa gate para maka-sakay na sa eroplano. May huling mensahe akong natanggap kay Tyra at sinabi niyang laman na kami ngayon ng balita. Masyadong mabilis naman ata?

Looking outside of the window, I suddenly felt of missing this place. My tears poured. Na-miss ko bigla si Tofer, si mommy at si Daddy. Na-miss ko rin iyong mga kasamahan ko sa trabaho. Sina Tyra, Megan, Georg, Chlou. Sina Cassey, Amanda, Selena, Karlie, at Nadine na mga malalapit kong kaibigan. Napa-mahal na rin sa akin ang New York  at ang mga taong nakilala ko. Ang Hollywood. Ang show business. Lahat-lahat.. Napa-mahal na sa akin kaya nakaka-miss.

"Now you're missing them.." usal ni Brayden.

Agad kong pinahid ang mga luha ko at hindi nalang umimik. Ginawa kong busy ang sarili ko dahil medyo nahiya ako sa kanya. Ewan ko nga lang kung bakit ako nahihiya sa unggoy na 'to.

Nineteen hours kami na bumyahe dahil via Hong Kong yung flight namin so I really had a jetlag kahit sanay ako sa mga byahe-byahe. Agad akong sumalampak sa aking kama dahil sa sobrang pagod.

Walang kaide-ideya ang mga tao na nandito kami ni Brayden sa Pilipinas. Well, except sa nasa front desk ng hotel dahil nag-check in kami.

Naramdaman kong umuga ang kama. Tss. Brayden.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon