32: Your Love

52 6 0
                                    

32: Your Love

Hindi na nga siya nag-tanong at nag-drive na paalis doon. Nag-usap na lang kami ng mga bagay na hindi naman importante. Na-miss din niya pala ako.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Sa unit mo nalang." sagot ko.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin kahit naka-hilig ako sa aking kamay na nakapatong sa may bintana ng sasakyan niya, nakatitig sa labas. Gusto ko lang siyang maka-sama. Papa-ubos na ang oras ko. Papatapos na ang araw na ito. Sana nga ay tumigil na lang ang pagpatak ng oras at ang pag-ikot ng mundo.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa unit niya, dumiretso ako sa balkonahe. Parang nauulit lang nung una kong pagpunta dito. Well, I'll be missing this place. The place where he brought me for deciding about the challenge his Tito offered him na siya ring naging daan para maging close kami. This place where he helped me about my school activities. The place where I became a disaster. The place where he sang for me and the place where I sang also for him. And the place where he stole my first kiss but it was sweet. I'll miss this place.

"You really love watching city lights." utas niya, nasa tabi ko na pala.

Ngumiti ako sa kanya. Yes, I love watching city lights but I love you more than anything else. At kung alam mo lang ang iniisip ko. Kung alam mo lang ang haharapin natin matapos ang gabing ito.

"Tell me when you want to go home, okay? Ayokong napapagalitan ka ng dahil sa akin."

Napalingon ako sa sinabi niya. Kung pwede nga lang na dito nalang ako matulog para hindi ako maka-alis. Kung pwede nga lang. Pero alam ba niya ang nang-yari?

"JM told me. Late na daw kasi tapos nandoon pa tayo sa Sacchrin. Sina mommy kasi eh. Tsk!"

Tinitigan ko siya habang napapakamot ng ulo dahil sa iritasyon. Napasipa pa nga siya sa railings ng kanyang balkonahe. But not that what got my attention. Yung kwento. Yung sinabi sa kanya ni Kuya. Yun ba ang sinabi ng kapatid ko? Kung ganon, dapat magpa-salamat ako dahil pinagtakpan niya ang nang-yari kahapon.

"Akala ko kaya malungkot ka kasi grounded ka na naman. O baka... pinagbawalan ka nang makipagkita sa akin. Pero nung tinawagan ako ni Rescel para lumabas tayong anim, um-oo kaagad ako. Sa totoo lang, gusto ko pang maka-sama ka. Parang kulang kasi iyong mga oras na magka-sama tayo."

Pareho tayo, Reniel. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam nun. Lalo na ngayong aalis ako ng wala kang alam.

"Pwedeng pumunta sa rooftop ng building na 'to?" tanong ko.

"Bakit?"

"Gusto kong mag-star gazing."

"Ohh.. sige sige. Kuha lang ako ng extra comforter." aniya at dumiretso sa kanyang kwarto.

Pagkalabas niya ay may dala na siyang comforter. Pumunta na kami sa rooftop at sobrang lawak nito. Nililipad nga nito ang saya ng aking dress. Ang buhok ko naman ay sumasayaw sa hangin.

"Ang ganda dito!" utas ko.

"May balak akong dalhin ka dito pero inunahan mo lang ako." aniya.

Natawa ako doon. Ang tagal kasi. Haha! Palinga-linga ako para tignan ang mga ilaw ng bawat establisyamento. Tumitingala rin ako para sulyapan ang buwan at ang mga kumukutitap na mga bituin. Nakita ko siyang nilalatag ang comforter kaya tinulungan ko siya.

"Ay! Nakalimutan kong mag-dala ng chips." untag niya ng malatag na ang comforter.

"Wag! Wag ka ng bumalik. Wag mo 'kong iwan dito," sabi ko ng paalis na sana siya. "Baka may manananggal." dugtong ko ng parang may double meaning ang sinabi ko.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon