31: Spending Time
Marahas akong napa-upo sa sofa ng living room nang makarating kami. Hindi ko alam kung ano itong nang-yayari. I have no clue! Dad is fuming in rage and Mom is trying to calm him. Napapaiyak nalang ako sa nangyayari.
"Calm down first, okay? Calm down! Let's hear her first!" napapataas na ang boses ni Mommy para lang makuha ang atensyon ni Daddy.
Nakita ko si Kuya na pababa ng hagdan dahil siguro sa ingay na umaalingawngaw sa bahay.
"Anong ginagawa niyo ni Reniel doon?" mahinahong tanong ni Mommy.
"We just have a dinner and dumaan kami sa Sacchrin Tea House. Nakita kami ng mga magulang niya kaya pumunta kami sa table nila." pagsasalaysay ko habang umiiyak.
Nakikita ko pa rin ang galit na mukha ni Daddy. Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya. Kung ayaw pa rin niya kay Reniel, dapat sinabi niya na noon pa. O pwede namang hayaan nalang kami. Hindi naman magkaka-problema kung okay sila kay Reniel. He's a good guy to be hated, for pete's sake!
"Anong sinabi sayo ng mga magulang niya?"
"Wala. Reniel just introduced me to his parents yun yung dumating na kayo. Ano po ba ang ikinagagalit niyo?" patuloy lang na dumadaloy ang mga luha sa aking mata.
"I have told you to stay away from that guy. Ayoko sa kanya dahil sa kanyang mga magulang! I hope you understand by now."
My mouth opened by what he said. He hate Reniel because he hate his parents?? Ganun ba?!
"But you seemed okay to them? You met Tita Richell and had a chat like you were long lost friend. What happened? Mom? Dad?"
Kuya look so confused. Hindi niya alam ang nangyayari. Kahit ako ay hindi ko rin alam. Wala akong ideya sa nangyayari.
"This is dangerous. Too dangerous." Dad mumbled, heaving deep breaths.
"W-wha-what dan-dangerous, Dad? Are they dangerous?" I asked, stuttering.
Dangerous ba ang mga taong iyon? Dangerous ba ang mga magulang ni Reniel? Paanong nasabi niya iyon?
"Dad, Mom, anong nang-yayari? Bakit umiiyak si Anna?" tanong ni Kuya sa nga magulang namin ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.
"Gabriel, hayaan na muna natin 'to. It's just a coincidence." Mom said to Dad, holding his arms.
"Coincidence? Tapos ano? Pag magkita sila ulit, coincidence na naman? Paano kung sa pagkikitang iyon ay masabi nila ang bagay na kinakatakutan kong mang-yari?! Ha?! Paano kung mang-yari yun?! Ayokong mang-yari. Nangako ako sa kapatid ko. Nangako ako kay Katherine!" Dad said to Mom, disregarding us. Binalikwas niya ang kamay ni Mommy na nakahawak sa kanya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang sintido.
I could see some tears flowing from his eyes. And it hurts so bad seeing my father tearing.
Ngunit sa mga sinabi ni Daddy, mas lalo akong naguguluhan. Hindi ko alam ang pinag-sasabi niya. My dad has a fear? And what is it? Ano rin ba ang ipinangako niya kay Tita Katherine? God, ano ba itong nang-yayari?
"You'll leave. Pack your things and you'll leave as soon as possible." pahayag ni Daddy, titig na titig sa akin. Para niya akong inuutusan.
"Anong aalis? Bakit ako aalis? Saan ako pupunta?" natataranta ako.
I could sense that this is coming and here it is.
"You will fly to California. Tapos na ang finals niyo 'di ba? Kaya maaari ka ng lumabas ng bansa. Sa California mo na itutuloy ang senior high school."
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...