19: Risk It All
Next week will be our examination and start na ngayon ng review classes. Medyo bored pero pinipilit na makinig para may maisagot sa exam. Malapit na din matapos ang school year na 'to at gagraduate na sina Reniel.
Napapa-isip tuloy ako kung paano na kaya ang school na 'to kapag wala na sila dito? Maingay pa rin ba? Excited pa rin ba ang mga students na pumasok? Well, mostly kasi sa mga students ay may mga crush sa members ng Summer Wind.
"Kat, manood tayo ng gig ng Summer Wind mamaya." yaya sa akin ni Hazel ng matapos na ang klase namin ngayong hapon.
Kahit tapos na ang challenge ng Tito ni Reniel, nakiki-sama pa rin ako sa banda. Syempre, naging kaibigan ko na rin sila at may nang-liligaw na rin sa akin na myembro ng Summer Wind.
"Oo naman sige.."
"Yiee! Supportive girlfriend ang bruha!" ani Rescel.
"Excuse me? I'm not his girlfriend."
"Dun din naman papunta ang ligawan na yan, eh. Pa-hard to get ka lang." Sabay hagalpak nila sa tawa. Tss.
Inasar lang nila ako hanggang sa papalapit na kami sa gate ng campus. Kainis nga, eh. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante. Kahit may alam na yan sila tungkol sa amin ni Reniel, wala pa ring nagkukumpirma.
"Pupuntahan ka nalang namin mamaya kaya mag-ready ka na lang," sabi ni Hazel ng nasa labas na kami ng campus. "Pagkaka-alam ko last na sila ngayong nagpe-perform, eh. You know.. sila ang highlights."
Tumango nalang ako sa kanila bilang sagot. Yeah, they're the highlights now kaya mas lalong sumisikat na sila ngayon. Marami na ang nakaka-kilala sa kanila.
Nakita ko naman ang sasakyan ni Reniel sa di kalayuan. Dumeretso na ako sa kanya. Siya na kasi talaga ang naghahatid sa akin dahil ibinilin na ako ni Kuya sa kaibigan niya. That insane man!
Kumunot naman ang noo ko ng maka-kita ng flowers sa front seat ng buksan ko ang pintuan. Kinuha ko ito at umupo.
"What's this?"
"Flowers?" sagot niya.
"I know but what's with the flowers?" tanong ko pa rin dahil nakakapag-taka. Wala namang espesyal ngayon, a.
"I'm courting you.." aniya at tumingin sa akin kaya naka-tanggap ng palo.
"Eyes on the road! Hindi yung kung saan-saan lang," sabi ko sa kanya.
Well, gusto ko lang iwala ang usapan. Oo nga at nangliligaw na siya pero kailangan pa talaga ng mga ganito?
"E hindi naman kung saan-saan lang ako tumitingin. Sa'yo lang naman," hirit niya at ngumisi.
"Stop that, ang baduy!"
Hindi siya baduy. Sa katunayan nga ay kinikilig ako pero kailangang itago. Tataas ang pride nito, eh.
He feigned hurt kaya sinapak ko na naman. Ang arte na naman ng isang 'to.
"Sama ka mamaya?" tanong niya.
"Huh?"
Ano 'to? Saan ako sasama? Kina Hazel na pupunta sa gig ng Summer Wind o kay Reniel? But wait, may gig sina Reniel tapos yayain niya ako? Saan naman?
"We have a gig tonight and I want you to come over with me," sagot niya.
So yun pala? Akala ko kung ano na.
"Sure. Nag-plano na rin naman kami nina Hazel na manuod sa gig niyo," sabi ko.
"Great!"
Nang maihatid na ako sa bahay, agad akong nag-bihis ng pambahay at sinimulan na ang mga activities na ibinigay sa amin. Usually, near midnight na ang highlights kaya 9pm na kami pupunta sa dramshop kung saan may gig sina Reniel.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...