8: Baby
Ilang days na din ang nakalipas simula ng sabihin sa akin ni Reniel na kailangan naming mag-compose ng sariling kanta. And half of the day na akong naka-kulong sa kwarto ko. Two poems na ang nagawa ko at paglalapat nalang ng tono. Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang lapatan ang ginawa kong tula. Ilang try ng iba't ibang chords at pag-strum ay meron ding sumakto. Ni-eedit ko ang tula kapag hindi bumabagay. Sa kalagitnaan ng paglalapat sa ikalawang tula, biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Reniel sa screen.
"Napatawag ka?" Pag-bati ko.
["How rude. Haha."] Sabi niya sa kabilang linya.
"Okay.." tumikhim muna ako bago sumagot, "Hello?"
["Now that's too sweet. Haha."] Pagtawa na naman niya.
"Alam mo ikaw, nang-titrip ka na naman eh! Pwede bang deretsuhin mo nalang kung ano ang sadya mo?" Pag-iirita ko sa kanya.
["Hey.. relax. May pupuntahan lang tayo."]
"Tayo? Saan?"
["Basta."]
"Sinong kasama?"
["Tayo lang."]
"Bakit tayo lang? Sina Jigs?"
["May ginagawa sila."]
"Ahh.. okay"
["Yeah. So I'll be there in a few minutes. Medyo naiipit lang ako ng traffic."]
Ahh.. kaya pala panay busina ang naririnig ko. Nagbbyahe na pala siya.
"Okay." I said and ended the call.
Niligpit ko ang mga gamit ko at naligo. I blow dry my hair pagkatapos kong maligo. Batid kong nandito na siya dahil nakita ko ang kanyang sasakyan sa labas ng bahay ng tumingin ako sa labas ng aking bintana. Pinagbuksan siya ni manang ng gate at pinapasok. Agad naman akong nagbihis ng isang hanging blouse and a tight pants paired with flats.
"Katriel, andito yung kaibigan mo." Ani manang, kumakatok sa pintuan ko.
"Opo. Lalabas na." Tugon ko.
Kinuha ko kaagad ang aking shoulder bag na nasa kama at lumabas na. Halos takbuhin ko papuntang hagdan. Ayoko kasi nang may naghihintay sa akin kaya minamadali ko ang mga kilos ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ng maka-sakay na kami sa sasakyan niya.
"Wala. Diyan-diyan lang." Sabi naman niya.
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Wala lang naman pala kaming pupuntahan, e. Bakit pa ako sumama? Pero bakit siya naka-polo shirt, maong at top-sider?
"Kumusta na ang pag-cocompose niyo?" Tanong ko nalang. Ang tahimik, e.
"Uhm.. ayos naman. Nagtutulong-tulungan kami. 5 songs na ang nagawa namin. At sabi ni Tito na okay na daw ang 5-8 songs. Anyway, trial lang naman yun, eh. Challenge lang sa akin ni Tito." Sabi niya na lumi-lingon lingon sa akin.
Tumatango nalang ako sa kanya.
"E ikaw, may ginawa ka bang kanta?"
Kinagat ko ang labi ko at itinuon ang paningin ko sa labas. Nahihiya akong sabihin sa kanya dahil baka hindi niya magustuhan ang komposisyon ko. Baka ma-weirduhan o ano pa man.
"Hoy!" Napalingon ako sa pag-tapik niya sa aking balikat. "Did you compose a song or songs?"
"Uhm..." di ko masabi-sabi. Nakikita ko naman sa kanyang mga mata ang curiosity. Buti nalang at naka-red light kaya okay lang na tumingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...