41: Catch Up
The polluted air irritated my nose. The noisy city flooded my ears. And the hot sun light hit my skin. All of those disgusting stuffs but I missed this! I missed the Philippines!
Kinuha ko kaagad ang aking maleta para makalabas na ng arrival area at tuluyang makaalis sa airport na ito. May susundo naman sa akin kaya ayos lang. Hindi ko na kailangan pang pumila para sa taxi. Kabanas pa iyon, 'no!
I remember the days when he always fetched me. Tinetext ko pa kapag hindi ako nahahatid o sundo nung isa.
"Salamat po," sabi ko sa family driver namin.
Lahat ng katulong namin sa bahay ay hindi natanggal sa trabaho. Kahit nangibang bansa kami ay nasa bahay pa rin sila, doing their jobs.
Manila is still the same. Nakakairita pa rin dahil sa traffic! Tss. At talagang nakaka-banas dahil sa isang billboard pa huminto!
How I wish I was able to see their rising career. Wala, eh. Makikita ko silang nasa tuktok na. Model pa sila ng isang malaki at sikat na clothing line, hindi lang sa Pinas kundi pati na rin sa buong mundo.
He's still the same. Those deep chinito eyes, eksaktong kapal ng kilay, matangos na ilong, red lips and a damn perfect-angled jawline. Messy hair na rin ang style ng kanyang buhok na noo'y laging maayos ngunit bagay naman sa kanya. Mas lalo siyang gumwapo. Bulky na rin ang kanyang katawan. Damn! And how I wish his feelings for me is still the same.
"Ma'am, sikat na sikat na po yan sila. Naalala ko pa yung lagi kayong hinahatid nung lalaking yon. Bagets na bagets pa yon noon, eh, pero ngayon, aba'y binatang binata na. Parang kayo.. naging dalagang dalaga na ho kayo."
Nagulat ako sa sa biglaang pagsasalita niya. Siguro nakita niya akong titig na titig sa billboard nung Summer Wind.
"Welcome back po, ma'am!" bati ng lahat sa akin nang makarating na ako sa bahay.
The house is still the same. Parang naging colorless nga lang. Siguro dahil sa umalis na kami kaya ganon. Walang kabuhay-buhay na ang dati naming tinitirhan.
Pinaghanda naman ako ng makakain at namiss ko itong lutong pinoy. Not that we don't cook pinoy foods in California, only that, the taste is different. Mas gusto ko ang cook namin dito.
Hindi ko pa naman ramdam ang pagod kahit mahaba-habang byahe iyon. Ginugol ko nalang ang oras ko para ilagay ang aking mga gamit sa closet at kung saan-saan na dapat pag-lagyan.
My room is still the same. Kung paano ko ito iniwan noon ay ganon pa rin. Only the bed sheet, pillow case, and curtains are changed.
I saw immediately the giant teddy bear kaya sinugod ko ito ng yakap. Namiss ko ito. Naalala ko pa na siya lagi yung iniiyakan ko tuwing gabi. Siya lagi yung niyayakap ko sa tuwing malungkot ako. Siya lagi yung nasa tabi ko.
Sinulat ko muna ang mga schedules ko. Sad to say that I have only two months of staying here. Pinag-bakasyon lang nila ako at babalik ulit sa California para sa college. Kuya did not want to come back with me. Aniya'y mas maayos daw kung doon lang muna siya. Ang arte rin ng isang yun, eh!
The credit card my parents gave me is really helpful. Dahil wala naman sila dito para magbigay ng pera ay sa credit card nalang daw ako magbabayad.
The next day, I went to school where my friends are studying.
Natatapos palang ang school year nila. Last week lang nung graduation nila. Kami rin ay natatapos palang din at agad ang punta ko rito. May mga inaayos nalang ata sila na mga papeles. Ang ibang universities naman dito ay sa August pa or baka September ang start ng school year like in California kaya pag-August ay aalis na naman ako.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...