97: It's You
Mahigit isang buwan na ang nakalipas at parang himala na nakakayanan kong hindi ko siya kausapin. Buwan na ang binibilang ko at nagiging maayos naman ang takbo ng buhay ko kahit papaano.
Alam kong nagiging childish na naman ako. Hindi ko lang alam kung nagseselos ba ako o hindi. Kung sadyang nagtatampo ako kasi hindi niya sa akin pinaalam na kasama pala si Camilla sa world tour nila.
Natapos na rin irecord iyong album ko at nirelease na nung isang araw ang bago kong album dito sa Pinas at irerelease palang iyong English version nung album ko sa mga susunod pang week o baka mas maaga pa.
Nung mairelease nga iyong album ko ay tumawag sa akin si Reniel pero di ko sinasagot. Tumawag pa siya gamit ang account ni Ace para makatawag kay Rescel at maibigay sa akin pero hindi ko pinaunlakan. Ang sinabi nalang ni Rescel ay umuwi na siya pero ang totoo ay nasa washroom lang kaming lima at nagtatago at nakikinig lang.
Wala e. Nagtatampo ata talaga ako at nagseselos rin. Di ko alam.
"When are you going to keep this?" Tanong ni Melodie.
"I don't know.."
"Maawa ka naman kay Reniel.. patay na patay na yun makausap ka," saad ni Carissa.
"Kausapin mo na Kat. Kawawa yung tao e. Sabi sa akin ni Ace na di daw yun masyadong nakaka-focus tsaka lagi daw kulang sa tulog," kwento ni Rescel.
"Oh tapos? Anong gagawin ko?"
"Kausapin mo, natural! Gaga.." ani Hazel.
Tinarayan ko nalang siya. Tinawag pa akong gaga e siya nga itong gaga.
"Let him be. May Camilla siya doon na magpapasaya sa kanya kahit papaano," mapakla kong sinabi.
"Don't let your pride stand firm in situations like this, Kat. That's poisonous to relationships. Baka di mo nalang mamalayan ay nanlalamig ka na hanggang sa mamatay ang apoy diyan sa puso mo."
Tumahimik lang ako sa sermon ni Melodie. Tinamaan ako roon pero ewan ko ba. Ang tibay ng pagkakagawa ng pride ko e. Siguro circa 1500 ito ginawa. Ang tibay e.
"By the way, Katiee, di ko pa pala sa'yo nasasabi. You'll perform at the Summer Wind concert sa LA," Tita Gina informed.
"What?!" Gulat kong tanong. "Why?"
"Their producer told me that they want you to perform with the band at saktong nasa US ka nun to promote your album."
"So you mean it'll be next month? E wala naman akong maipeperform?"
"Saka mo nalang problemahin yan. Pag-uusapan nalang yan pag dating mo na doon. You don't need a month of preparation naman kasi guest ka lang."
I know that but isn't it much better kung ngayon palang mapapaghandaan na?
"Icancel mo nalang ho kaya yan.." I suggested.
"No. Hindi na pwedeng kanselahin. Nai-announce na rin yan sa mga tao.."
That's a big problem.
"Pwede namang sabihin na hindi ako matutuloy.."
"Ano ba problema mo Kaitee? Summer Wind yun. Banda yun ni Reniel.. boyfriend mo. Tsaka may mga fans kang bumili na ng ticket just to see you at bibiguin mo lang? Katiee, mga banyagang fans ang naghihintay sa'yo roon. Na kahit hindi nila kilala ang magcoconcert doon but because you'll be a guest artist in that concert, they bought tickets so don't let them be disappointed. This is for you also."
"E ba't ba kasi sinabi kaagad sa mga tao e hindi pa nga ako umoo.."
"Umoo na'ko so they announced it already."
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...