46: The Girl

41 5 0
                                    


46: The Girl

["How's my dearest Katriel?"] bati sa akin ni Hazel ng masagot ko ang tawag niya.

"I'm perfectly fine. Ano ba ang pakay mo at napa-tawag ka?"

["Well, Jigs invited us to his birthday on Saturday. It's two days before Saturday so mag-handa ka nalang,"] aniya.

"What time? May gift na ba kayo?"

["4pm daw. Sa bahay nila. Pool party. Exclusive nga lang itong party niya. Only close friends and important persons are invited so meaning we are one of those. Taray natin 'no? Mahalaga tayo sa isang Jigs dela Rosa na ngayo'y sobrang sikat. Hahaha!"]

Napa-irap ako sa pagda-daldal niya. Kelangan talagang pahabain pa e pwede namang sagot kaagad.

"May gift na ba kayo?" tanong ko ulit sa di niya nasagot.

["Yun nga lang. Wala pa, eh. Pwede namang bumili ka na agad ngayon. Medyo busy pa kasi kami so hindi tayo magkaka-sabay sa pag-bili."]

"Okay sige." and I ended it.

Rescel is busy with her family. Carissa went to their hometown. Melodie is having a reunion with her elementary batchmates so definitely, andun ngayon si Gerald na boyfriend niya. And Hazel is busy according to her. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kinabi-busyhan nung isang yun.

So ako nalang itong walang ginagawa. Nasa bahay na naman ako. Pumunta nalang kaya ako ng mall para magliwaliw at para na rin maka-bili ng regalo. It's better kesa magmukmok dito. Maiisip ko lang si Reniel na kasama yung Camilla'ng yun. Ugh! Kainis! Bakit ba kasi ako lumabas kaninang madaling araw? Well, magja-jogging lang sana ako pero dahil same neighboorhood lang kami ni Camilla ay padaan na ako sa kanila ng maka-kita ako ng pamilyar na sasakyan tapos lumabas nito si Camilla at si Reniel. Hell! Madaling araw, magkasama? Galing saan naman sila? Grabe ha! Umaabot ng madaling araw! Kairita! Sabing aalis na ako para di ko na yun maisip eh! Kulit din ng utak ko eh!

Habang naglalakad sa mall ay nakaka-kita ako ng mga couple na nagha-hawak kamay o kaya naghaharutan. Kabanas yun 'no! Kainis! Paano naman akong single? Mahilig ba talaga sila sa PDA? Lantaran talaga? Aba! Kapag ako naging presidente, walang PDA at kapag nahuli ay ipapakulong ko o kaya'y ipapadala ang lalaki sa Mars! Hah!

Nasa isang Men's boutique na ako. Hindi ko alam kung ano dito ang bibilhin eh. Wala naman akong alam sa hilig ni Jigs. Kahit medyo close kami nun ay wala akong masyadong alam na mga hilig niya pwera sa music, syempre.

Polo? Polo shirt? Shoes? Wallet? Ano pa ba?

Nanunuri ako ng mga damit ng may makabangga akong mama na naka-sombrero. Medyo natakot ako kasi ang laking tao. Baka yung mga kahina-hinala ang isang 'to.

"Katriel.." tawag niya sa akin ng mag-simula akong mag-lakad.

Nagtaka ako kung bakit alam ni Mamang Stranger ang pangalan ko. Hindi naman naka-display ang name ko, hello??

"Kean?" di makapaniwalang banggit ko ng tinanggal niya ang shades niya.

"Sshhhh!" sita niya.

"Sorry," I mouthed.

Luminga-linga ako kung may nakuha akong mga atensyon ngunit wala naman dahil kaonti lang ang narito at medyo malayo pa sa amin. Wala din namang sales lady na nakapalibot sa amin.

Saka ko palang naalala na nasa public place pala siya at artista na nga pala ito.

"What are you doing here? This store is for men," aniya ng tinuloy ko ang pag-tingin tingin.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon