17: Woo

57 6 0
                                    

17: Woo

Days passed since the incident in Reniel's condo happened. Di mawala-wala sa isip ko ang halik na iyon. I hated him for stealing my first kiss. Ni hindi man lang hinintay na maging kami.

Naramdaman ko ang mas lalong pag-init ng pisngi ko ng maalalang nag-rerecord pa ang digicam ko ng hinalikan niya ako. Nakalimutan kong patayin iyon katapos ng kanta kaya nasali sa video. Uggh! Kahiya!

"Kat? Hey.. Katriel?"

"Earth calling to Anna Katriel?"

"Hoy!"

A shout from my friend dragged me out from my reverie.

"Ilang araw ka ng natutulala. Ano bang nangyari?" Tanong ni Melodie sa akin.

"Uhm, wala. May iniisip lang."

"Si Reniel ano?" Hula ni Hazel.

Muling uminit ang pisngi ko sa sinabi ng kaibigan ko. Pancit canton naman kasi! Di pa nga natatapos mag-huramentado ang puso ko dahil sa nangyari nung linggo sa amin ni Reniel, ngayon, babanggitin nila yung isang yon.

"H-hindi ah!"

"Sus! Defensive," ani Carissa.

"Kulay kamatis na nga yang mukha mo, eh!" pang-aasar ni Rescel na sinabayan ng tawa nina Hazel.

Kainis naman 'to.

"Hep hep! Tama na muna yang asaran na yan. Papagalitan lang tayo ni Ms. President nyan," wika ni Hazel at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Wala ng klase simula ngayong Wednesday. Busy ang lahat sa pagde-decorate ng bawat room dahil sa Friday, Christmas party na namin. Ang Student Council kasi ay may pa-contest na pagandahan ng room kaya heto.. mga abala ang bawat estudyante. And dahil eco-friendly ang school, recycled materials ang gagamitin.

"Girls, may pinsan nga pala si Ms. President na hot basketball player! OMG!" Pahayag ni Rescel habang naninisay sa kilig.

"Woah? Sino?" Tanong agad ni Melodie.

"Girl, sino yan at ng ma-haunting!" Wika ni Hazel.

"He's Aiden Caleb Buenaflor! He's so hot!" Sabi ni Rescel at ipinakita ang phone niya na may photo niyang Caleb na yan habang nasa basketball court.

"Fudge! Ang gwapo!"

Inirapan ko nalang si Carissa sa sinabi. Gwapo ba yan? Talaga? Siya yung basketball player na kaibigan nina Reniel, eh.

"Hindi ka ba nagwa-gwapuhan sa kanya, Kat?" Tanong ni Rescel sa akin ng makitang wala lang sa akin yung pinakitang larawan.

"Hindi. Nakita ko naman na yan, eh."

"Whaaaat?? When? Kilala mo na siya? Kilala ka rin ba niya? Magkaibigan kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Rescel sa akin.

"Ba't di mo man lang nabanggit? Ikaw ha.. matapos mong mabingwit si Reniel, ngayon, si Caleb naman? Lakas ng kamandag mo, teh!" Wika ni Carissa.

"Listen girls! Hindi ko siya kilala at hindi niya ako kilala so definitely we're not friends. Nakita ko lang siya sa game ni Reniel."

"Game ni Reniel? Nanood ka sa laro ni Reniel tapos hindi mo man lang kami sinabihan? Yun ba yung sinabi ni Jonathan? Nakaka-tampo ka na talaga."

Napa-irap na lang ako kay Rescel. Basta 'hot guy', asahan mo na ang mga babaeng ito na marami talaga ang itatanong sayo. Haaay.

"Hindi ko namam alam. Two times nga lang ako naka-panood. Tuwing after practice lang naman yun, eh."

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon