33: Flight

47 6 0
                                    

33: Flight

Habang papunta na kami ni Kuya sa bahay, walang humpay pa rin ang mga luha ko. Pasado alas onse na ng gabi. Paniguradong galit sina Daddy sa akin ngayon.

"Galit na naman ba si Daddy dahil late na pero wala pa rin ako?" tanong ko kay Kuya habang umiiyak.

"Wag mo nalang alalahanin yun. Hayaan mo nalang."

Tumingin nalang ako sa labas. Tahimik nalang akong umiiyak. Tanging luha nalang ang lumalabas.

Kinabahan ako ng maaninag ko ang bahay namin na lahat ng ilaw ay naka-bukas pa rin. Inaabangan ang pag-uwi ko. Kahit ang mga maid at guards namin ay gising pa.

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?! Akala namin nag-layas ka na!" bungad kaagad ni Daddy sa akin kahit nakaka-isang hakbang papasok palang ako ng bahay.

"Gabriel..." tawag ni Mommy sa asawa gamit ang mahinahong boses.

"Dad, just let her be. She just spent her last stay here with her friends and Reniel." pagtatanggol ni Kuya para sa akin.

"Di ba binilin ko sayo na wag mong papalabasin ang kapatid mo?! Pero ano? Ikaw pa ang naghatid?!" galit na sabi ni Daddy kay Kuya.

"Dad! Tama na. Tama na, please. Wag mo ng pagalitan si Kuya. I requested kaya sinunod niya lang. Dad, gusto ko lang makasama sina Reniel. Susunod naman ako sa inyo eh. Aalis nalang ako dahil yun yung gusto niyo kahit masakit! Kahit mahirap! Sana hayaan niyo nalang ako! Kahit man lang itong araw na to ay hindi niyo na ako pagalitan dahil bukas ay kayo na naman ang masusunod! I just wanted to be with Reniel!" I pursed my lips into thin line so hard after I said those lines.

Humagulgol na naman ako sa kanilang harapan na naging dahilan para sa pag-tahimik ni Daddy at ng lahat. Mula sa mukhang galit na si Daddy ay lumambot ang features ng kanyang mukha.

Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko habang umiiyak. Hindi ko kayang harapin sila. Hindi ko kaya. Sobra akong nasasaktan sa naging desisyon nila para sa akin.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto, nakita ko kaagad ang dalawang malalaking maleta. So they packed my things for me? Excited sila para sa akin pero ako, ayokong umalis. Bakit kaya hindi nalang sila ang umalis?

Humilata ako sa aking kama na patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Titig na titig sa kisame. Nang maramdaman ko iyong teddy bear ay niyakap ko kaagad ito ng sobrang higpit. Iniimagine ko na si Reniel ito tutal siya naman ang nag-bigay nito.

"Reniel... I'm leaving. And sorry for not telling you about this. Kapag sinabi ko pa kasi, pareho lang tayong mahihirapan at masasaktan. I know that leaving you without letting you know will hurt you too much too. Sorry sa desisyon ko." sabi ko sa teddy bear habang kayakap ito. Iniisip pa rin na siya si Reniel.

Biglang naisip kong tawagan si Reniel. Pero dapat ko muna irelax ang sarili para hindi niya mahalata na umiyak ako.

I tried to call him for a few times already pero hindi pa rin niya sinasagot. And this will be the last try dahil baka natutulog na iyon. I thanked God when he finally picked his phone.

["Katriel?"]

"Uhh.. did I woke you up? Sorry."

["No. I just took a shower. Sorry dahil hindi ko kaagad nasagot."]

"Ayos lang."

["Bakit ka pala napatawag?"]

"Na-miss lang kita."

["Naghihiwalay palang tayo ah.. pero namimiss din kaagad kita eh. Sana dumito ka nalang."]

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon