85: President’s Office
Medyo nagulat ako ng maabutan ko si Tita Mommy sa receiving area na prenteng naka-upo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Nakaka-panibago.
“Tita mommy,” tawag ko saka halik sa kanyang pisngi.
“Oh! Kumusta ang taping?” tanong niya.
“Ayun! Nakaka-pagod.” Sagot ko nang maka-upo na sa tabi niya. “Where’s Tito Daddy?”
“Still working,” aniya habang naka-pukol ang mga mata sa magazing binabasa.
“E ba’t andito na po kayo? Usually naman po kayo’ng sabay ni Tito Daddy.”
“I took some rest days muna. Bihira lang tayo nagkakaroon ng time eh.” Saad niya.
“Aww.. ang sweet talaga ng Tita Mommy ko.” Sabay yakap ko sa kanya.
“Oh, Brayden.”
Kaagad ako napa-ayos ng upo sa binaggit na pangalan ni Tita Mommy. Ngumiti sa kanya si Brayden at bahagyang yumuko bilang pag-bati. Galing siya sa second floor at papunta siguro ng kusina para kumuha ng pagkain.
“Kaitee is back,”
“Yeah, I can see her.” simpleng saad niya at bumaling sa akin at pinakitaan niya ako ng tipid na ngiti. Ngumiti nalang din ako sa kanya at pumunta na siya ng kusina.
“What’s with you two? Usually siyang sumasama sa’yo pag may taping ka ah?”
Ngumiti ako ng tipid at humarap. “Nagtatampo pa po ata sa akin si Brayden eh.”
“Bakit?” halatang interesadong malaman ni Tita Mommy ang rason dahil sa kanyang boses at sinara na rin iyong magazine na binabasa.
“He knew already about me and Reniel being together.”
“What?” di makapaniwalang sabi ni Tita Mommy. “Siya pa rin ba, anak?”
I pursed my lips into thin line. “Mm-hmm..” I nod.
“But.. what people knows is that Reniel and Camilla are in a relationship.”
“They’re not.”
“Nak, I’d understand if you still love him but he’s off limits. Don’t be a mistress.” Nangungunot ang noo niyang wika.
Nanikip ang aking dibdib dahil sa sinabi ng mismong nanay na itinuring ko simula noong baby pa ako. Parang kinukurot nito ang dibdib ko dahil mismo siya ay ayaw niya kay Reniel dahil akala niyang mistress ako.
“But they are not. Tita Mommy, Reniel is not in love with her. It’s a one sided love for Camilla.”
“You’re still in danger. If your dad will know about this, he might take you back.”
“No. He won’t. Besides he knows why I chose here.”
Huminga muna siya ng malalim bago nag-salita, “I’m not against nor a pro. And I hope your Tito Daddy would not be against with this again.” Aniya at tinuloy ang pagbabasa ng magazine.
Tinignan ko muna siya bago tumayo at pumunta ng kusina. Naabutan ko naman si Brayden na gumagawa ng sandwich at iniinit iyong bakedmac sa oven. Umupo ako sa high stool ng kitchen island at pumangalumbaba.
“Are you still mad at me?” tanong ko na hindi niya sinagot. “Akala ko okay na tayo..” naka-busangot kong saad.
Nakita kong nangunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko na malamang ay hindi niya naintindihan.
“Bray..” tawag kong naka-simanagot ngunit hindi man lang niya inangat ang tingin niya sa akin.
Tumitig nalang ako sa kanya ng tumitig. Nang tumunog naman ang oven ay kinuha na niya ang bakedmac at naglagay sa kanyang plato. Nilagay niya rin iyong ginawa niyang sandwich sa plato at nagsalin nung fruit juice.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
JugendliteraturAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...