9: Mahal Kita
Kinabukasan, naka-receive ako ng text galing kay Jigs na magkakaroon daw kami ngayon ng practice. Siya na ang susundo sa akin dahil kina Kean ang practice ngayon. Dadaanan nalang niya ako dito. I still have a few hours to prepare.
Sinulat ko ang ginawa kong 3 songs kahapon sa bond paper. Ayokong punitin yung kopya ko sa notebook ko na panay kanta na gawa ko.
I usually write songs about my life. I write songs when my emotions are raging like a river. And kahapon nang maka-uwi ako, nagsulat ako ng panibago kaya naging tatlo. Naligo ako matapos kong magsulat. 2pm ang practice daw namin at quarter to 12 na ngayon. Bumaba ako para kumain ng tanghalian na basa pa ang buhok. Hahayaan ko nalang matuyo ito. Kami lang ni Kuya ang nandito dahil parehong nasa trabaho sina mama at papa.
"Matatapos na ang sembreak ninyo.. nakapag-practice na ba kayo?" Tanong ni Kuya.
Umiling lang ako sa kanya.
"Bakit ang tahimik mo ata?" Puna niya.
"Wala lang."
"Anong nangyari kahapon na mukhang badtrip ka?" Concern niyang tanong sa akin.
"Walang nangyari kahapon." Matabang ko na naman na sagot.
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Kuya.
"I knew that there's something happened that made you pissed but I don't want to insist you to tell me." Sabi nalang niya.
This time, nilingon ko na siya at nakitang naka-tingin siya sa akin gamit ang kanyang mga matang nag-aalala.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya sa akin ng makita niya ako sa hagdan mula sa sala.
Tinignan ko naman ang sarili ko. I am just wearing a Fred Perry polo shirt with polka dot print slim fit tucked in a high-rise coral shorts paired with a Keds Champion dip dye lace sneakers.. and an oxblood twist lock satchel that sling on my shoulder. Just simple as that.
"Practice." Tipid kong sagot.
"Saan? Hatid na kita."
"Hindi na, Kuya. May susundo naman na sa akin." Sabi ko nalang ng maka-baba na ako.
"Sino? Si Reniel?"
Biglang bumusangot naman ako sa sinabing pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit.
"Nope. Si Jigs." Sagot ko.
Napa-hugis 'o' naman ang kanyang bibig. Siguro nagtataka 'to kung bakit si Jigs eh usually naman na pumupunta dito e si Reniel. Lagi naman si Reniel yung naghahatid sa akin galing sa school.
Sinamahan ako ni Kuya papuntang gate. Nakita ko naman si Jigs sa labas ng kanyang Nissan, naka-hilig.
"Saan ang practice niyo ngayon?" Tanong ni Kuya kay Jigs.
"Kina Kean lang, pre. Don't worry, hatid din namin kaagad lil sis mo pagkatapos ng practice." Ani Jigs.
"Aba dapat lang! Hiniram niyo lang 'to kaya dapat ingatan." Sabi naman ni Kuya.
"Maka-sabi naman 'to. Ano ako, bagay na nahihiram? Tss." Tanong ko sa kay Kuya at inirapan.
Pinagbuksan ako ni Jigs ng pintuan at nagpasalamat ako sa kanya. Parang ang trato na talaga sa akin nila e isang prinsesa. Tss.
"Jigs, ingatan mo yan. Hindi mo na yan mapapalitan kapag may nangyaring masama diyan. Naku! Lagot talaga kayo." Pagbabanta ni Kuya.
"Haha! Grabe ka 'tol. Iingatan namin talaga itong si Katriel. Sige, una na kami." Paalam naman ni Jigs.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...