30: Meeting With
Kinabukasan, sinalubong ako ng mga pang-iintriga ng mga bruha kong kaibigan. Trying to dig more information about what happened yesterday. Putol-putol ang pag-storya ko sa kanila ng mga nangyari kahapon dahil sa mga klase namin at dahil na din sa hindi sila makapag-hintay. Nabuo nalang iyon ng mag-lunch na kami at talagang maiingay sila. Mabuti nalang at wala doon ang Summer Wind. Busy sila. Senior students kasi at papalapit na ang graduation nila. Mapapa-aga rin ang exams nila kesa sa amin kaya nag-hahanda na sila ngayon.
Sa amin, nag-simula na ring mag-bigay ng mga projects ang mga teachers namin sa mga sumunod na araw. And on that week end, my parents are true to their words. We had an out of town trip. Nag-glamping kami and it was really fun. Spending some times with the family is so enjoyable. Hindi mo makalimutan. Ngunit napaka-dali lang ng araw. On Sunday afternoon, agad kaming nag-byahe pauwi ng Manila. Back to the exhausting life in the city.
Last week na ngayon at papatapos na rin ang buwan ng Pebrero then next week ay Marso na. Next week na din ang exams nina Reniel. And the following week will be ours.
Busy ngayon ang mga studyante sa kani-kanilang requirements na kailanagan nang mai-comply for an early vacation. I am too excited to have that vacation kaya inasikaso ko kaagad ang mga requirements ko. Ganon din ang mga kaibigan ko.
Lahat kami ay nagkakandaugaga. Especially sa math subjects namin na may problem set kaya ayun, stressed out sa mga mathematical problems. Buti nalang din at matalino si Reniel sa math kaya naisingit niya iyon sa kanyang schedule na sagutin ang problem set namin. Binigay nalang niya iyon matapos ang dalawang araw. Ang ginawa nalang naming magkakaibigan ay itransfer iyong mga sagot sa bond paper. He save us from that hell-like subject. Nakakairita nga ang teacher namin nun eh.
Mabilis lumipas ang mga araw at naging malaya na ako. Hindi na ako grounded. Kaya pwede na akong umuwi ng gabi at mag-lakwatsa kasama ang mga kaibigan. Although the driver is still fetching me yun nga lang ay tinetext ko nalang kapag magpapahatid o sundo ako. But most of the time ay si Reniel ang naghahatid sa akin sa bahay mula sa skwelahan. Wala namang sinasabing pag-kontra tungkol doon ang pamilya ko.
Natapos na rin ang mga araw ng Pebrero at hell week na ngayon ng mga senior students. Reniel is still making a way for us to have time in his hectic schedule. I understand him if he has no time. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil hindi kami. Oo nga't nangliligaw siya pero wala pa rin kaming label.
Nanonood ako sa mga gig nila nitong mga nakaraang araw at lahat iyon ay successful. He told me one night that there were talent scout in that club from his Tito Franco's company. Syempre, hindi dahil Tito niya ang may-ari ay madali nalang para sa kanila ang maka-pasok. Of course, they have to be studied kung mapapakinabangan ba sila ng kompanya at kung talagang talented sila.
"Tapos mo na bang gawin yung research paper?" tanong ni Rescel ng nasa canteen kami.
Magka-grupo kami sa research paper na iyon.
"Uhm, malapit na."
Tumango lamang siya. Naka-harap ako ngayon sa laptop at tinatrabaho ko na iyon para mamaya ay maiprint at maipasa na. Busy naman sila sa pagbabasa para sa nalalapit na exam. Patapos na din ang hell week nina Reniel kaya ngayon ay kami naman.
Biglang nagdilim ang panigin ko at naka-amoy ng pamilyar na pabango. Hinawakan ko ang kamay na nagtakip sa aking mga mata at tinanggal iyon. Nakita ko ang naka-ngiting pagmumukha ni Reniel ng tiningala ko kung sino ang nangahas. Kinuha niya iyong isang upuan sa kabilang table saka niya ito tinabi sa akin.
"Ang busy natin ah. Ano ba 'yan?" tanong niya, nakalagay ang isang kamay sa likod ng aking upuan habang ang isa naman ay naka-tukod sa kanyang baba.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...