5: Reckless Girls
Hinawakan ko agad ang kanyang kamay na nasa pisngi ko at tinaggal ko iyon. Umatras ako dahil sa kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko.
"A-ano... a-alis na ako. Uhm... sorry sa storbo ha. S-sobrang natakot lang ako doon sa ahas. Sige." Nauutal na naman ako.
Pumihit ako para maka-alis na ngunit nakita ko siya sa gilid ng aking mga mata na parang may sasabihin pero minabuti nalang niyang itikom ang kanyang bibig kaya nagpatuloy nalang ako sa pag-alis. Kinabahan talaga ako sa nangyaring iyon.
Minarapat ko nalang hanapin sina Hazel dahil malapit na rin ang last period namin. Nakita ko sila na papasok sa canteen kaya tumakbo ako papunta sa kanila.
"Oh, hey.. akala namin nag-aaral ka pa sa tambayan mo?" Bungad na tanong sa akin ni Hazel.
"Huh? A-ano.. wala na." Ngumiti ako ng peke.
"Ganon ba? O sige, tara na. Ilang minuto nalang din magttime na."
Bumili kaming lima ng ice cream saka pumunta sa sunod na klase namin. Halos nandoon na ang mga kaklase namin pero wala pa rin ang teacher namin kaya nag-stay muna kami sa labas habang kumakain pa ng ice cream.
"Bakit ganyan pala ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Mapang-usisang tinignan ako ni Hazel.
"Oo nga. Nagkita na naman kayo?" Agad na tanong ni Carissa.
"Pina-iyak ka na naman nung gagong Jian na yun ano?"
"Sumosobra na talaga yun! Naku!" Nanggigil namang sabi ni Melodie
"Hindi. Ano ba kayo. I am doing my best to stay away from him, okay? Kaya hindi ko siya nakikita at hindi niya rin ako nakikita but,"
"Oh ano?" Naiiritang tanong ni Hazel dahil sa pag-hinto ko. E sa nag-aalanganin pa akong ikwento sa kanila.
"Kanina nung pag-punta ko sa tambayan ko, nakita ko si Reniel na natutulog dun tapos nung pabalik na ako, may ahas akong nakita kaya nagising ko siya sa kakasigaw ko and sa takot, sa kanya na ako tumakbo nang nag-iiyak. Napatay naman niya yung ahas."
"Oh..." sabi nilang napapatango.
"Nagpaka-hero pala sayo yung eherm! Nag-iisang Reniel Elizalde." Mapag-tuksong sabi ni Melodie.
"'Yan kasi yung sinasabi ko sayo! Kaya ayaw kong tumambay du–" di na natapos ni Carissa ang kanyang sasabihin at napatulala nalang.
"Eherm! Eherm!" Nag-kukunwaring tikhim ni Hazel.
Nagtaka naman ako ng ngumuso si Rescel sa akin kaya napatingin ako sa uniform ko na inakalang baka namantsahan ng chocolate ice cream pero wala naman. Inangat ko ang paningin ko ngunit nakita ko silang apat na papasok kaya susunod na sana ako kaya lang may humawak sa braso ko. Napatingin ako sa kanya at kinabahan na naman ako. Bumuhos sa aking alala ang nangyari kanina. Nakaka-hiya talaga iyon tapos may kuryente pang dumaloy and I bet, he also felt the current.
"B-bakit?" Why am I stuttering?
"Just want to remind you that we have a practice after class." Reniel said.
"Oo naman." Sabi ko na parang hindi ko iyon nakalimutan pero ang totoo ay nakalimutan ko nga iyon dahil sa nangyari.
"Eto pala, nahulog mo kanina." Sabay bigay sa akin ng ilang pages ng papel na assignment ko. Di ko manlang namalayan na nahulog pala 'to.
"Oh! S-sige, salamat." Ngiti kong sabi sa kanya kahit medyo naiilang ako.
Batid kong halos lahat ng mga classmates ko ay nanonood sa amin. Of course, the famous Reniel Elizelde is here!
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Novela JuvenilAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...