29: Call Away

34 5 0
                                    

29: Call Away

Umalis na si Mommy para kunin ang desserts. Gusto kong sumama pero gusto ko din manatili dahil baka magkasagutan na naman sina Daddy at Reniel ng hindi ko alam. Pero mabuti nalang at hindi nang-yari iyon. The conversation turned into lighter one. More casual. Naki-sali kasi si Kuya. And I am thankful for that.

Dumating si mommy na naka-buntot ang ilang maids na dala-dala ang mga desserts. Una kong kinuha ay syempre yung gawa ko. Namiss kong kumain nito. Minsan lang kasi gumawa si mommy nito. She's a busy woman.

Pagkatapos namin kumain ng dessert, pumunta kami sa poolside. May gazebo doon na pwedeng tambayan pero nanatili lang kami sa tabi ng pool. Naupo ako sa recliner habang sila ay naupo sa round table katabi lang ng inuupuan ko except Dad na tinitignan ang kalangitan.

"Want some wine?" tanong ni Daddy.

I barely drink wine, champagne or anything that has an alcohol contents. Kapag may okasyon lang. Kapag may social gatherings. Saka lang ako umiinom non.

Nag-tawag si Daddy ng katulong para kumuha ng wine and glasses. Di nag-tagal ay dumating din iyon. Sinalinan ni Daddy ang lahat ng basong iyon at kaonti lang ang pinalagay ko sa akin.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam ako kay mommy na papasok lang ako at may kukunin lang sa kwarto ko. Nandon kasi ang phone ko. Di ko na dinala dahil wala naman akong itetext maliban sa mga lukaret kong kaibigan na nag-hihintay sa kwento ko. But they can wait. They knew na hindi pa tapos ang gabing ito para sa akin.

Pagkababa ko sa hagdan, dumaan ako sa short cut papuntang poolside. Nadaanan ko ang mini office ni Dad at bahagya itong naka-bukas. May ilaw ding sumisilay. Sino naman kaya ang nasa loob? Sina mommy ba? Iniwan sina Reniel?

"Hayaan na natin ang mga bata." rinig ko ang boses ni mommy.

"No. There's a possibility that it will happen kaya hanggang sa makakaya ko, puputulin ko ang nag-uugnay sa kanila." mariing sinabi ni daddy.

"Gabriel, nagmamahalan yung dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata."

"It's just a puppy love."

"No. It's not just a puppy love. I know that you can see to their eyes the love they felt. Sa mga sagot palang nung bata, alam kong alam mo na mahal na mahal niya si Katriel."

Matapos na sabihin iyon ni mommy, napahakbang ako paatras. They are talking about me and Reniel. Dad even said that he'll do everything just to cut the things that connects me to Reniel. May butil ng luha ang tumakas sa aking mata. Nasasaktan ako sa pinaplano ng sarili kong ama.

I wiped it away and run walk to the poolside where I left them. Nakikita ko ang tumatawang mukha ni Reniel. Nasa kabilang side na sila ni Kuya. And I can't afford to lose him kaya sana hindi ako ilayo sa kanya. I walk toward them while holding the glass of wine na kinuha ko sa table. Napatingin sa akin si Reniel. And the lights under the water reflects to his eyes. It glitters. Nalulunod na naman ako sa mga malalalim niyang chinitong mata.

"Oh hey, Anna!" bati ni Kuya ng makita akong papalapit sa kanila.

Nag-usap usap kaming tatlo ng mga hindi namang importanteng bagay. Hanggang sa dumating sina Daddy at Mommy.

"Reniel, can we talk?" tanong ni Dad ng makalapit sa amin. "Just the two of us." dugtong niya at tumingin sa amin.

Tumango lamang siya at nag-lakad na si Daddy papalayo sa kinatatayuan namin, sumusunod lamang si Reniel. Giving a distance for us not to hear it. Tinawag ko si Daddy at tinignan sa mata para sabihing hindi niya pagbantaan o kung ano man. Sa naiisip ko palang, kinakabahan na ako. Lalo na ngayong mag-uusap sila ng sila lang dalawa. Edi mas lalo akong kinabahan. Walang emosyon ang ipinakitang mata ni Daddy. Kinakabahan ako.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon