86: Light Stand

28 5 0
                                    

86: Light Stand

“Kainis!” bulalas ko habang pinapaikot ko ang aking tinidor para makakuha ng pasta.

“Saan ka ba naiinis?”

“Basta! Tss. For sure nasisiyahan na ‘yon ngayon sa kanilang pinag-uusapan. Nandoon pa talaga si Camilla? Hindi man lang siya lumabas nung pumasok yung babaeng iyon? Kainis talaga! Bwiset!”

“Chill. Gusto mo ng milk shake? Anong flavor? Para malamigan ang nag-iinit mong ulo..” bahagya pa siyang tumawa sa sinabi niya.

Kabanas din ng isang ‘to. Sarap kutusan. Pinagtatawanan pa ako.

“Si Reniel sapat na para hindi na uminit ang ulo ko! Gusto ko andito siya sa tabi ko at hindi sa mag-amang ‘yon! Kung gusto niya, pumunta nalang kami ng Hollywood at doon nalang kami. Mas malaking opportunity pa yon kesa sa offer ng presidenteng yon! Kainis. Nanghihimasok!”

I stare dagger at the guy in front of me when he laugh even more. Anong nakakatawa doon? Tss. Dinadagdagan pa nito eh.

“My bad. I can’t do anything about that,” aniya at tumawa na naman. “Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?”

“May tiwala ako kay Reniel, syempre! Pero sa mag-amang ‘yon? Naku! Naiinggit lang ako kasi imbes sana na ako ang kasama niya ngayon e si Camilla! Hello?! Almost nine years ata kaming hindi kami nagkasama tapos in that span of time, Reniel is with Camilla! Kaya sana naman ngayon, ako naman.” Bulalas ko. Inis na inis na talaga ako.

“Relax ka nga. Nasa sa’yo naman siya eh. Hindi ‘yon magpapa-agaw. Look, sabihin nga nating nine years kayong magka-walay pero ngayon ba, si Camilla ang pinili niya? Si Camilla ba ang mahal niya ngayon? ‘Di ba ikaw pa rin naman? Kaya ‘wag ng uminit ang ulo mo. Chillax.. oh heto, mag-judge ka muna..”  aniya at pinipigilan ang sariling pumutok sa tawa.

“Ako ba’y pinagloloko mo? Kean, umayos ka naman,” wika ko sabay tapon nung bubble gum na iyon sa kanya.

“Sorry. Pinapatawa lang naman kita, eh.”

“Ewan ko sa’yo.” At sumilay sa aking labi ang maliit na ngiti dahil sa ginagawa niya.

Seriously, naiinis na talaga ako. Call me clingy but I really wanted to be with my boyfriend! And knowing that he’s with the girl who’s obsessed with him.. duh?! Sinong hindi mapapalagay ‘di ba? Tss.

“Balik na tayo sa NBC. Tinext na ako ni Megan,” sambit ko sa aking kasama.

Tumayo naman siya kaagad at dumiretso na ng lakad palabas kaya sumunod ako. Pagkarating namin sa studio ay naabutan ko na roon si Reniel na inaayusan na ng stylist. Nilibot ko ng paningin ang buong lugar and it’s a relief that there’s no trace of Camilla.

“Where did Kean took you?”

Walang gana akong humarap sa nagtanong habang matatalim ang aking mga titig. Nasa harapan ko na ngayon si Reniel na nakapamulsa at seryoso ang mukha. Hinagod ko lang siya ng tingin mula ulo hanggang paa at agad na binalik ang aking atensyon sa aking cellphone.

“Something wrong?”

Muli niyang tanong ngunit hindi na ako nag-abalang balingan siya ng tingin. At hindi na ako nag-aksaya ng laway. Duh! Naiinis ako ngayon kaya pwede? Tss.

Tapos na siguro siyang ayusan ngunit ako’y heto pa at inaayos ang buhok ko at final touches nalang.

“Katriel.”

Nakaramdam ako ng pagtayo ng aking mga balahibo sa pagtawag niya ng pangalan ko gamit ang seryosong tono ng boses na tila ba’y nagbabanta. Pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa narinig ko nalang ang pag-singhap niya siguro sa frustration dahil hindi ko siya pinapansin. Kalaunan ay umalis rin siya sa aking harapan. Napataas nito ang gilid ng aking labi ngunit parang kumikirot ang aking puso na makita siyang naglalakad papalayo sa akin.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon