45: Envy

49 5 0
                                    


45: Envy

Kahit natalo ako ay patuloy akong umasa. Maaaring hindi nila napansin yung entry ko o baka hindi nila nagusuhan but I know to myself that I can catch his attention kaya hindi ako susuko na kunin ang atensyon niya hanggang sa makuha ko iyon.

Tapos na yung concert nila at nanlulumo akong nag-lalakad paalis doon.

"I told you not to join that damn thing," hasik ni Hazel.

"We can get his attenton naman without that. Kaibigan naman natin sila." Si Rescel.

Naglalakad na kami patungong parking lot kung saan wala masyadong tao. Hindi kasi nag-park si Rescel sa madaming tao. Okay lang sa kanya na mag-bayad ng mahal basta safe naman na lugar at hindi madaming naka-park na kotse para madali lang ang pag-labas.

"Kahit na. Una palang naman yun, eh. I can get his attention to my next attempt." Positibo ko pang sagot sa kanila.

"Mahihirapan ka lang." Wika ni Carissa.

"Ayos lang 'yan. Ako naman ang gumawa nito, eh."

Habang nilalakad patungo sa pinag-parkingan ni Rescel ng sasakyan ay may nakita akong tao na naka-sombrero. May hawig ito.

"Si Kean ba 'yan?" tanong ni Hazel sabay turo sa lalaking naka-sombrero.

Nanliliit ang aking mga mata para ma-klaro at si Kean nga.

"Kean!" tawag ko.

Tinakbo ko ang distansya namin ng lumingon siya. Alangan namang tumakbo ako ng hindi pa nga sigurado na siya, edi napa-hiya tuloy.

"What's with the cap? Wala namang ibang tao dito ah?" agad kong sabi ng magka-harap na kami ng konti nalang ang distansya.

"Para sa seguridad lang."

Napansin ko ang gilid ng kanyang labi na medyo namamaga. May putok rin sa kanyang labi. What the heck!

"Anong nang-yari?" nag-aalalang tanong ko.

"Ouch!" daing niya ng bigla kong hawakan ang na-damage niyang labi.

"Anong nang-yari?" tanong nung mga lukaret, naka-lapit na pala.

"Hala! Napano ka niyan?" tanong ni Melodie.

Naka-cross arms na ako habang nangungunot ang aking noo at titig na titig sa sugat niya. Di mapakali naman ang kanyang mga mata na tumititig sa akin at sa mga kaibigan ko tapos balik ulit sa akin.

"Nalasing kasi ako kagabi tapos nadapa na ako nung paakyat sa hagdan ng bahay."

Hindi ako naniniwala.

"Wala pa yan kanina. Wala pa yan sa concert niyo. Kita mo, mukhang bago lang'yan, eh." Pagdududa ko.

I know he's lying. He can't even look straight at me kaya imposible.

"Hindi. Kagabi lang 'to." Pagpipilit niya.

Tinititigan ko siya gamit ang hindi naniniwalang mga mata. Nag-aalala naman ang mga kaibigan ko. Asan naman kaya ang mga kabanda niya? Ang management? Bakit mag-isa lang siya dito?

Good thing malapit nalang ang kotse ni Rescel. Nasa loob kasi nito ang bag ko.

"Open your car, Scel." Utos ko na agad sinunod.

Kinuha ko ang aking bag at agad na bumalik. May ointment ako rito para sa mga sugat at band-aid. Just in case lang naman. At mabuti nalang dahil parati ako nito nagdadala. Di nag-tagal ay naka-rinig kami ng tawanan. Pare-pareho kaming napa-tingin sa gawi ng grupo ng mga kalalakihan. The Summer Wind. Sa likod nila ay si Reniel na may seryosong mukha habang naka-pamulsa. Kasama na naman niya si Camilla. Naka-ramdam na naman ako ng kirot sa aking puso.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon