43: Face Off
This would be my fourth time to watch their gig. Pang-apat palang din naman nila ito simula noong dumating ako. Some of their guestings ay pumupunta ako at minsa'y kasama sina Hazel pero may times na ako lang dahil busy sila sa kanilang pagka-college. Naiinggit lang ako minsan sa mga fans na nakakalapit sa kanila dahil syempre, hindi pwede akong lumapit. Hindi pwede ng dali-dali na lang. Kailangan ng timing at dapat napapanahon. Baka kasi kapag nagpakita ako out of nowhere ay magkakaroon ng commotion at baka magkaroon pa ng issue. Not that I am assuming af anything or overthinking. Iniisip ko lang ang mga maaaring mangyari if ever man.
"Well I met her yesterday
You took my breath away
And I can't like the way
That's just so damn unpredictable
But that was just history
It turned out you and me
It happen so easily
Like I'm living in some miracle
The world kept on spinning, it won't stop
Just beginning
'Cause I got high hopes
High Hopes, high hopes
For me and you
And when we grow old
I'll say, I told you so
'Cause I got high hopes"
Pang-ilang kanta na nila iyan at ang mga tao rito ay nakiki-sabay sa masayang indayog ng kanilang kanta. Kahit itong mga loka-loka ay nakiki-kanta na rin.
"Are they having a second album now?" tanong ko sa kanila.
Well, one year na sila sa industriya at nag-one year na rin nang i-release ang kanilang debut album. Maybe gumagawa na sila ngayon ng bagong album.
Siniko naman ni Hazel si Rescel na busy sa phone niya.
"Ano??" galit niyang utas rito.
"Nag-tanong si Katriel kung may bagong album daw na gagawin ang Summer Wind," sagot naman ni Hazel.
"Bakit sa'kin mo tinatanong?"
"E ikaw lang naman diyan yung laging updated, 'di ba? Ikaw lang naman yung may reliable sources mula sa Summer Wind." Pang-eechos ng kaibigan namin.
"Tigilan mo 'ko ha?" pananaray ni Rescel sa amin.
"Sagutin mo nalang kasi..." pangungumbinsi nina Melodie.
"Hindi ko nga alam. Wala pa sa akin binabanggit si A..."
Nagkatinginan kaming apat ng napatigil si Rescel sa babanggiting pangalan. Napatingin na rin siya sa amin mula sa screen ng phone niya. So ano yun? Sinong A? Ace ba kamo? Naku!
"Si Ace ba kamo?" panunukso ni Carissa kay Scel.
Pinagtatarayan naman niya sina Carissa habang inuukray siya. Napapatawa nalang ako sa kanila. Ilang weeks na rin ako rito at nami-miss ko parin sila. Sa bawat oras kasi na nakaka-sama ko sila ay parang segundo lang iyon.
"Patay! Tapos na sila!"
Lahat kami ay napa-tingin sa stage nang pasigaw na sabihin ni Hazel iyon at nakitang nakababa na sila maliban kay Reniel na pababa palang.
"Takbo! Bilis!" untag ni Melodie ng napatunganga kami.
Parang mga langgam naman kami na nagtatakbo habang nasa linya. Bakit ba kasi ang kipot ng daan?! Bakit ngayon pa kung saan nag-mamadali kami?! Nasa hulihan pa ako at nahihiya na ako rito dahil sa ginagawa namin. Naka-yuko nalang ako habang nag-tatakbo palabas ng lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...