26: So In Love
Natapos kaming magklase sa PE sa saktong oras. Nag-hihintay na rin sa labas ng gym si Reniel. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Basta naka-receive nalang ako ng text mula sa kanya na nasa labas na daw siya ng gymnasium.
"Ano? Text text nalang tayo ha?" ani Carissa bago kami makalabas ng gym, tinutukoy yung sa 14.
Agad naman kami nag-okay at humiwalay na ako sa kanila dahil andito naman si Reniel.
Habang naglalakad kami, biglang pumasok sa isip ko yung nalantang bulaklak sa locker ko. Nag-aalangan pa ako kung itatanong ko pa ba o hindi na. Ang tagal-tagal na nun ata sa locker ko.
"Uhm.. Reniel?" tawag ko.
"Hmm?"
"By chance, do you know where my locker is?"
"Uhm, yeah. Why?" tanong niya at bumaling sa akin kasabay ng pagkulong niya sa kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
So there's a probability that it was him.
"By hook or by crook, did you ever leave a flower in my locker?" sa wakas ay natanong ko.
"No. Why would I leave a flower if I can give it to you personally?"
Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Hindi ko din naman alam yun.
"Did... did someone leave flowers in your locker?" huminto siya saka hinarap ako ng tinanong niya iyon.
Nangunot ang kanyang noo at titig na titig sa aking mga mata ang kanyang malalalim na chinitong mata.
"Uhm.. kind of? Somewhat?" di ko siguradong sagot.
Kung hindi man siya, e sino? Parang ayoko nalang tuloy ipagpatuloy ito.
"Sino naman maglalagay nun?" wala sa sarili niyang tanong, nagpatuloy sa pag-hakbang.
"Hindi ko alam."
"May nagkaka-gusto sa'yo?" parang frustrated ang tono niya.
"Hindi naman siguro. Sabi sa card na–"
"May card pa? Patingin nga." gulat niyang sabi, pinutol pa ang sasabihin ko kaya imbes na ipagpatuloy ay kinuha ko sa bag ang card at pinabasa sa kanya.
"Pamilyar. Pamilyar ang sulat-kamay na 'to." utas niya ng mabasa na ang card.
"Talagang may secret admirer ka." he stated.
Hindi ako naka-sagot. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Hinatid nalang niya ako sa parking lot kung nasaan naghihintay ang driver ko. Ganon nalang ang ginagawa namin. Sasamahan niya ako pag nasa school at ihahatid sa parking lot and then si Manong na ang maghahatid sa akin. Bumubuntot si Reniel sa sasakyan namin hanggang sa maka-rating kami sa gate ng subdivision namin.
Sa mga sumunod na araw, nagtaka ako kung bakit busy ang mga classmates ko. Yun pala ay nagdedesign ng room namin. Syempre, sa pamumuno iyon ni Lauren. Valentines na valentines na talaga sa school kaya yung mga lukaret kong kaibigan ay nagbibitter-bitteran na naman. Haha. Palibhasa...
Usual days lang naman ang first two weeks ng February hanggang sa nagsimula ng may mag-bigay ng mga flowers, chocolates, cards and whatnots.
Nang mag-Friday, 12 of the February, manghang-mangha pa si Rescel ng may matanggap siyang flowers and chocolates galing sa grade 10 student. Si Hazel ay may nag-iwan pa ng flowers and card sa locker niya. Si Carissa naman ay may nagbigay ng teddy bear na may hawak na card and si Melodie ay parang wala pa. Baka naman kasi nagpapa-special pa yung magbibigay sa kanya. Inaasar-asar tuloy siya.
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...