Hi! So this is it. This is really it. No epilogue since there's no prologue lol but might have special chapter. You can read now and enjoy. Thank you for the support, guys! 😊
----------------------------------------------------
100: Sealed
Reniel's POV
"Wala dito mommy mo, brad?" Tanong ng pinsan kong si Jack kay JM.
"Lul! Kaya nga nandito tayo kasi wala dito mommy niya!" sagot naman ng isa pa nilang kaibigan.
Sinama lang naman ako ni Jack kasi gusto kong mag-laro ng basketball e sakto namang may friendly game sila kaya eto ako ngayon.
"JM, pwedeng gumamit ng CR niyo? Naiihi na ako, e."
"Ha? Ah, oo. Deritso ka lang tapos kaliwa tapos iyong ikalawang pinto," aniya sabay turo sa isang hallway sa kanilang bahay.
Sinunod ko iyong binigay niyang direksyon. Habang naglalakad ako sa hallway na tinuro niya, may mga larawan akong nakita. Isang picture na si JM, picture ng isang batang babae na siguro iyong bunsong kapatid niya, tsaka picture ng kanilang parents. May family picture rin sila. Biglang kumunot ang noo ko at napabalik sa family picture. Parang pamilyar.
At the back of my mind, there's an image of a little girl flashed. Mas lalong nilapit ko ang mukha ko sa picture frame na iyon at siya nga! Siya iyong batang medyo maarte na mabait. Ewan pero mabait siya pero maarte para sa akin at may pagka-maldita rin.
Naalala ko lang sa isang amusement park noon, nasa isang stall na ako at bumibili ng cotton candy ng biglang kinuha niya iyong binili ko tapos tumakbo.
"Wait lang po, kuya!" Sigaw niya.
Nagulat ako saka sinundan siya pero di ko maabutan dahil naka-ilang metrong layo na siya mula sa akin.
Nakita ko siya sa isang sulok ng isang stall na binibigyan iyong isang batang lalaki na bungi, ngumangawa. Pina-iyak ba niya iyong batang lalaki? Ang salbahi naman niya. Inagawan na nga niya ako ng cotton candy tapos may pina-iyak pa siyang bata.
"Tahan na. Eto o may cotton candy ako, sa'yo nalang."
Wow ha! Akin yun tapos kung ibigay niya parang sa kanya!
"Saan mo ba huling kasama ang mama mo? Hinahanap ka na nun siguro? Baka binalik-balikan na nila kung saan ka nila iniwan.." she said with worry in her voice.
Nag-aalala siya?
Unti-unti namang tumahan iyong bata saka kinuha mula sa kanya iyong cotton candy.
"Hindi ko alam kung saan ko sila huling naka-sama, e." Pasinghot-singhot pa na sabi nung batang lalaki doon sa babae.
"Ganon ba? Sige, wait lang ha. Dito ka lang. Babayaran ko lang 'yang cotton candy."
Tatayo na sana siya pero pinigilan siya nung bata.
"Sama ako."
That point, umalis na ako at tumakbo pabalik sa stall ng cotton candy. Naghintay ako roon at nagpanggap na galit na galit.
"Hi. I'm sorry, I snatched your cotton candy earlier. I just needed to do so. How much did you pay for the candy anyway?" Maarte niyang tanong.
So she can speak english fluently? Base on her physical look, she's a rich kid.
"Will you pay me a hundred pesos?"
Nangunot ang noo niya.
"Hundred? Kuya Vendor, how much po yung cotton candy?"
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...