75: Stubborn
Kaagad akong kumuha ng mga pang-street style kong damit sa aking walk-in closet.
I'm now wearing a Brandy Melville Joanne Tank, a Tularosa Sophia Denim Overall Dress and Gucci New Ace Floral-Embroidered Leather Low-Top Sneakers. And with a Marni Trunk Mini Leather Shoulder Bag that sling on my body. I grab a black Nike cap and wear my Ray-Ban Classic Wayfarer Sunglasses to help me hide my real identity.
Pinuri ni Hazel ang pang-street style outfit ko. Di ako masyadong mahahalata nito ng tao dahil simple lang naman ito pero may dating. Nakita ko nga si Taylor Swift na ganito rin yung suot niya.
Tinext na kami ni Rescel na nasa isang pizza house daw sila. Wala pa sina Ace doon kaya sila palang nina Melodie at Carissa. Nagpahatid kaagad kami kay manong sa mall at pinauwi kaagad siya dahil sasabay na ako kina Rescel mamaya.
Meron ng naka-serve na pizza at panay na ang kain nila. Di ata sila nabubusog eh. Galing palang sa Café Danielles' tapos nandito na naman sa pizza house. Kumain nalang ako at binalewala ang disiplina sa pagkain dahil natatakam na rin ako. Nagwowork out din naman ako kaya nabburn din ang fat nito.
"Tara na. Lakad-lakad naman tayo. Nandito na daw sila Ace eh." sabi ni Rescel at pinapakita talaga niya ang ngiting tagumpay.
Ano kaya ang nagpa-feel na nagtagumpay siya? Ang lawak-lawak kasi ng ngiti eh.
Panay ang tingin namin ni Hazel sa mga naka-display na mannequin na suot-suot ang damit. May natitipuhan ako o si Hazel pero hindi wise kung bibilhin namin dahil may damit pa ako at siya na hindi pa nasusuot at wala ring available size na kakasya sa akin o sa kanya. Samantala, maingay naman yung tatlo na nasa unahan lang namin. Parang mga teen agers pa kami sa lagay naming ito eh.
Hmm? Ano kaya ang magandang bilhin para kay Brayden na for sure ay nababagot na iyon sa bahay? Basta ang alam ko okay na kina mommy tita at tito daddy sa pagkain. Si Kuya JM ay kahit ano lang din yun.
"Heyy.."
"Oy!"
Napa-baling kaagad ako kay Rescel dahil sa pagtawag niya sa naka-salubong at niyakap niya ito. Nakita ko si Ace na siya ang kayakap ng kaibigan ko. Nilibot ko ang paningin ko sa gilid nila at ibang tao ang nakita ko.
Kaagad akong nag U-turn ng makita si Reniel. Kinakabahan ako at nanlalamig na ang kamay ko. Bumalik ako at hinablot ang kamay ni Hazel para makatakas na kami roon. Hindi ako na-inform na si Reniel pala ang kasama ni Ace eh.
Napahinto ako sa pagmamadali ng may mapagtanto. Nag-flashback sa utak ko ang mga ngiti at titig ni Rescel. Nasapo ko kaagad ang aking noo. Grabe din ang babaeng ito eh. Kaya pala ganon siya eh dahil may tumatakbo na pala sa kanyang isip. Haays. Naisahan ako nitong lukaret na 'to eh.
"Ano 'yan? May problema? Si Reniel 'di ba yung kasama ni Ace?" tanong ni Hazel.
"Oo at si Rescel! Naisahan niya ako. Pancit! Naisahan ako!"
"Anong naisahan?"
"Hindi niya sinabi na si Reniel ang kasama ng boyfriend niya. Pancit! Tara na at baka mapansin pa nilang nawawala na tayo."
"Katriel!"
Napa-pikit ako ng mariin. Nakaka-isang hakbang palang kami ay tinawag na ako. At alam kong kay Rescel ang boses na iyon. Medyo nabahala ako dahil may napatingin sa akin dahil sa pagtawag niya sa akin.
Dahan dahan akong lumingon at nakita siyang tumatakbo na. Sumusunod naman sina Melodie at Carissa.
"Saan kayo pupunta? Nandito na sina Ace ah."
BINABASA MO ANG
Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)
Teen FictionAnna Katriel Santos is just some random girl. Out of thousands of young ladies, she was the chosen one. She's nice, kind, generous, lovely, caring, and loving person. It was just some kind of challenge that serves as the reason for her and him to g...